G R E T C H"Mika?" pagkumpirma ko sa taong nakatalikod sa akin.
"Ah hindi?" nakangiti niyang sagot at kumamot sa likod ng ulo niya. Bigla ko namang naalalang umalis nga pala si Rachel.
"Kaye, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Nandito kami ngayon sa tapat ng shop ni Rachel. Kukunin ko kasi yung inorder kong cheesecake. Ngumiti naman siya at umiling saka nagsimulang maglakad na palayo.
"Nasa Baguio siya kasama si Mika." wika ko at napatigil naman siya.
"Gusto ko lang naman magresign formally?" patanong niyang sagot kaya napaghahalataang nagsisinungaling siya.
"Come with me."
"Why are you guys asking me to join you? Una si Bea, now you? I am not even your friend diba?" natatawa niyang sagot sa paanyaya ko.
"Si Kaye ka man o si Mika, may pinagsamahan pa din naman tayo kahit papaano." nginitian ko naman siya.
Tumingin naman siya sa orasan niya bago ako muling tignan.
"Kung busy ka okay lang naman kahit hindi." wika ko.
"Baka magalit yung asawa mong arogante?" natawa naman ako bigla sa sinabi niya.
"I should be offended in behalf of my wife but I really find it funny." di ko pa rin mapigilan ang pagtawa ko.
"She is, akala mo kung sino." inis niyang sabi, isip bata din pala.
"Mamaya ko na nga kukunin yung cheesecake, tara."
Sabay hila ko sa kanya papasok ng kotse, nagpatianod lang siya at hindi na nagpumiglas, maigi naman. Dinala ko siya sa museleo ng mga Reyes.
"Bakit tayo nandito?" kunot noo niyang tanong at naupo naman ako sa may gilid.
"Dito namin dinadalaw si Mika noon. It wasn't easy for Chel really, specially raising 4 kids, hands-on siya because that's what Mika wanted." salaysay ko.
"Miski naman ako ganun ang gugustuhin kong gawin."
Napaismid naman ako.
"Ano bang plano mo pag nagkapamilya ka?" tanong ko, I could still remmeber Mika's plans nung kami pa. Nakakatawa man pero ganun talaga.
"Ang creepy ha? Di kita type. Arogante asawa mo pero ayoko maging kabit."
Gusto ko sanang hubarin yung suot kong sapatos at ituktok sa ulo niya nang matauhan siya sa pinagsasasabi niya.
"Mag bestfriend talaga kayo. Mayabang ka din e no?" wika ko.
"Di ko siya kaibigan diba. Nakakainis lang. Di ko na din alam kung sino ba ako." nagsquat naman siya at hinawakan ang lapida ni Mika.
"Maigi pa siya, walang maalala pero may nagpapaalala kung sino siya. Samantalang ako, may naaalala pero hindi naman pala akin." tumawa naman siya ng mapait.
"Do you want to know what happened to you?" tanong ko.
"Who wouldn't want to know? Kahit sino atang nasa kalagayan ko gugustuhin malaman. Ako si Kylie Seyer? Yun din ba talaga ang pangalan ko?" muli naman siyang tumawa at napailing. "Feeling ko naliligaw ako na tao ngayon. Ang mapapanghawakan ko lang ata yung meron kami ni Gale, ayun ang alam kong totoo." dagdag niya pa dahilan para tumaas ang kilay ko.
"Paano ba kayo nagkakilala?" tanong ko.
"Psh. Wag mo na alamin." bored niyang sagot kaya hindi ko na pinilit.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]