*************
So Close 3.0
*************G R E T C H
"Pangga, free your sched sa next Sunday." wika ko.
"Ide-date mo ako?" nakangiti niyang sabi.
"Nope. Lalaro tayo." sagot ko at agad naman niya akong niyakap mula sa likod.
"Lagi naman tayong naglalaro ng bahay bahayan ah." wika niya kaya ini-hampas ko yung hawak kong Pipino sa noo niya.
"Aray naman. Bilisan mo na nga dyan sa ginagawa mo." wika niya at nagpunta na sa salas.
Napailing na lang ako at tinapos na din ang ginagawa ko, Salad at Pipino, saka siya tinabihan sa may couch.
"Basketball tayo. May gusto akong ipakilala sayo." wika ko at sinubuan siya.
"Siguraduhin mo lang na mag-eenjoy ako dyan ha." wika niya.
"Oh darling I bet you will." sagot ko at kinagat yung kalahati ng pipino na nasa labi niya na ikinagulat niya.
"Don't play with your food ano ka ba." wika niya.
"But when you go south, you are playing --." agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.
"Stop it. Stop it." wika niya at nagtakip na ng tenga kaya tinawanan ko na lang siya ulit bago subuan ng salad.
Her phone rung kaya naman agad niya itong sinagot.
"Ri, bakit?" bungad niya. Wala man lang hi, hello diba?
"Ano?!" hiyaw niya bigla kaya niloudspeaker niya na ito.
"Si ate Ye, nambababae." sagot ni Ria at agad kumunot ang noo ni Pangga.
"Nasaan na si Mika?" inis niyang sabi.
"Hindi namin alam ate. Hindi na namin sinundan."
Nagpaalam na din siya agad at sinubukan tawagan si Mika pero hindi ito macontact.
"Hey, stop stressing yourself." I smiled at minasahe ang sentido niya.
"How can I not? Mika, of all people, cheated on her wife?"
"Tell her na you got her back tapos isama mo siya sa laro natin." I smiled and poked her nose saka itinuloy ang aking pagkain.
"Paano pag ako ang naghanap ng iba?" tanong niya.
"Una sa lahat, takot mo lang kay lolo. Pangalawa, masyado mo akong mahal. Pangatlo, ako lang makakatiis sayo." sabi ko at tumawa.
"Ang yabang." wika niya.
Umayos naman ako ng upo at pinaningkitan siya ng mata.
"May karapatan ako magyabang, mahal na mahal ako ng asawa ko at alam kong hindi niya ako ipagpapalit sa kahit sino." I smiled and lounge myself to her.
I kissed her and yeah, a hot sesh went on.
*****
"So? Pumayag na ba si Mika?" tanong ni Bea.
"Hindi namin macontact. Bakit ba gusto niyong maglaro? Laro lang ba ito sa inyo? Gusto niyo pang pagsabungin si Mika at Kaye sa loob ng court? Tapos isasama niyo pa si Jovelyn na mainit ulo kay Kaye." sabi ni Riri.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]