R A C H E L"Why don't you take a week off with your family?" tanong ni Chris habang kumakain kami ng lunch dito sa café.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"To relax maybe? I mean, sobra ka nang nai-stress oh. Look at your bags, that's not the Chel na nagustuhan ko." natatawa niyang sabi kaya napatingin ako sa salamin bago siya simangutan. "Ah ah ah, wag kang sisimangot sa harap ng pagkain." he smiled before taking a sip sa frappe niya.
"Sobrang stress na ba ako?" I pouted.
"Yeah. You look 10 years older." sabi niya kaya agad ko siyang hinampas.
"Napakasama mo." wika ko.
"Mag weekend getaway kayo. You need some refresher."
Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at napahawak sa aking ulo. Gosh, this is getting my life energy.
"Fine, I'll let my friend handle the shop muna." sabi ko while thinking of Ria na wala pa ring ganap sa buhay.
"Don't forget to put some cucumbers on your eyes." natatawa niyang sabi.
"Bwisit ka." sagot ko at nagtawanan lang kami.
Before heading home ay dumaan muna ako kay Riri to cordially invite her to become my replacement this coming weekend sa office. Nakakahiya naman kasi kung over the phone diba, baka tanggihan niya pa.
"Ayan, naaalala niyo lang ako pag may kailangan kayo sakin." nakasimangot niyang sabi dahilan para pingutin ko ang tenga niya.
"Nagrereklamo ka ba?" nakaismid kong tanong sa kanya dahilan para mag hands-up siya.
"Sabi ko nga kahit bukas wag ka ng pumasok ako na bahala eh." ngumiti naman siya ng pilit.
"Madali ka naman pala kausap eh." sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"I hate you."
"Thank you." sabi ko at humalik sa pisngi niya dahilan para mamula siya haha! Never gets old.
"That's cheating."
Nginitian ko na lang siya at nagpaalam na din. Dumaan muna ako sa J.CO para bilhan ang mga bata ng donut, dinamihan ko na din ang Alcapone since favorite iyon ni Mika. Napangiti na lang din ako, I should really try my best to see her as my Mika again.
Nang makauwi ako ay agad akong sinalubong ng mga bata dahilan para matigil ang paglalaro nila ni Mika. Hinalikan ko naman isa isa ang mga batang nakapila na akala mo bibigyan ng candy, napakacute.
"Hi." awkward niyang bati sa akin at binigyan ako ng tsinelas na pang-bahay.
"Thank you." nakangiti kong tugon at humalik sa pisngi niya. I saw her blush kaya napailing na lang ako.
"Uhm ano, hehe." sabay kamot niya sa likod ng batok niya.
"Yes?"
"Uhm, the kids and I cooked Adobo for uhm."
"Tara na gutom na ako." sagot ko at hinawakan na ang kamay niya patungo sa dining.
Mael looked at me like his relieved that I'm trying to patch things up with Mika. Nakakatuwa lang din na inaasikaso niya ang mga bata, she looked at me at pinakita ang kutsara na may laman. Napailing na lang ako at kinain na din yun.
"Ang bait naman pala ni mama." nakatawa niyang sabi.
"Let's go on a vacay?" tanong ko sa kanya.
"Saan?"
"Hmm, saan ba maganda?"
Nag-isip naman siya pero maya maya ay kumakamot na sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]