R A C H E LI did wake up na katabi ko siya but her back was against me. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim bago siya yakapin. Naalimpungatan ata siya kaya naman humarap siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Rad, mahal na mahal kita." wika niya pero nakapikit naman siya.
"I love you more babe. I love you more." sagot ko at yumakap ng mas mahigpit sa kanya.
Muli akong nakatulog at pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Agad akong bumangon para maghilamos. Inikot ko na yung room pero wala siya doon. May kumatok naman sa pinto kaya binuksan ko na iyon.
"Chel, kain na tayo." sabi ni Den.
"Si Mika? Nakita mo?"
"Kasama ni Ara, nagkukwentuhan sila." sagot niya. "May nangyari ba?" tanong niya pa.
Kwinento ko naman ang nangyari kagabi, pero hindi yung session namin, amin na lang yun. Naihilamos na lang niya ang palad niya sa mukha niya bago ako paluin ng malakas.
"Aray naman." sabi ko at hinimas yung pinalo niya.
"Stop with the names kasi."
"Eh tinawag niya akong Rad. Nadala lang ako." sagot ko.
"Nadala sa pagod?" sabay ngisi niya ng nakakaloko at hinampas nanaman ako.
"Ewan ko sayo. Tara na nga." sabay hatak ko sa kanya.
Pagkababa ko ay nakapwesto na sila. Si Mika ay pumwesto sa tabi ni Ara kaya kami na lang ni Den ang nagtabi. Dumating naman si Jovs at Greta kaya nakatingin lang ang mga kaibigan namin sa kanila na may malaking ngiti kaya napalunok na lang si Greta ng laway.
Don't worry gurl, pinagdaanan na namin yan.
"Kamusta naman ang gabi? Kasing init ba ng sabaw ngayon?" simula ni Riri.
"Sobra akong pinagpawi--" agad na tinakpan ni Greta ang bibig ni Jovs.
"Subukan niyo pang magtanong pipilayan ko kayong lahat." wika ni Gretch
Tinignan naman silang lahat ni Greta ng matalim kaya natawa na lang din ako.
"Ay wala, mahina si ate Jovs. Hindi nag-enjoy si ate Gretch kaya ayaw magkwento eh." Pang-aalaska ni Riri.
"Yan ang bilis sa harot, wala kasing kaharutan." pagsaway sa kanya ni Bea.
"Ay nukss, Jia anong pinakain mo kay Bea at ang bait ngayon?" tanong ko kay Jia.
"Sa lapag ko pinatulog para matauhan." sagot niya sa akin kaya nagtawanan naman ang tropa.
Si Mika naman ay tahimik lang na kumakain, ngumingiti pero napakatipid.
"Oh ikaw Ye? Tahimik ka? Sa lapag ka din ba pinatulog?" tanong ni Ara sa kanya.
"Ye? Anong Ye?" nakakunot noo niyang tanong."Lahat na lang ba kayo tatawagin ako sa hindi ko pangalan?"
Bigla naman siyang tumayo at umalis kaya natahimik naman sila.
"Anong nangyari dun?" tanong ni Jovs sabay turo sa akin ni Den.
"Anong nangyari Chel?" tanong ni Gretch.
"I told her I love her?" patanong kong sabi bago nagbuntong hininga "And called her Mika."
"HAHAHAHA!" tawa ni Ria, parang tanga. "Nagseselos talaga siya kay Mika ha? Sira na ata talaga tuktok nun." dagdag niya.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin?" tanong ni Ara.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]