Chapter 26

877 32 79
                                    


R A C H E L

"Nakatulala ka na dyan. Namiss mo ba ako?"

Nagulat naman ako at napahawak sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Tinignan ko naman siya na at nakasilay nanaman sa maamo niyang mukha ang pagkatamis-tamis na ngiti. Nandito ako sa salas at hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya.

"How are you?" tanong ko sa kanya at hinatak siya para maupo sa tabi ko.

"I'm perfectly fine babe. May problema ka ba? Parang wala ka sa sarili mo nitong mga nakaraan e." wika niya at iniharap ang mukha ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako, mata sa mata. Tila ba naghahanap ng kasagutan sa mga nangyayari. Agad akong nag-iwas ng tingin, hindi ko makuhang makipagtitigan sa kanya ng matagal.

Paano kung hindi nga siya si Mika?

Alam ko masasaktan siya ng sobra, ako ang nagpumilit sa kanyang ipasok siya sa buhay ko. Ako ang may kasalanan ng lahat kung nagkataon.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Ang lalim naman niyan mahal." wika ng katabi ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya kaya niyakap ko siya mula sa gilid.

"I'm sorry." sabi ko at mas yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Why are you sorry?" tanong niya habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko.

"For everything you've been through simula nang makilala mo ako." I frowned.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago humalik sa buhok ko. Muli naman niya akong iniharap sa kanya.

"Wag kang mag-sorry kasi nakakainsulto yun. Meeting you was one of the best days of my life." sabi niya.

She smiled at isinukbit ang ilang piraso ng buhok ko sa likod ng tenga ko saka siya muling ngumiti.

"If I hadn't met you, I wouldn't be here with you today. I wouldn't be able to feel lahat ng feelings na pinaramdam mo. I wouldn't be able to feel how magical love is." dagdag niya at humalik sa noo ko.

That made me smile somehow. How can I not think of her as Mika? The way she thinks, the way she smiles, everything she is, resembles my wife, my Mika.

"I'm really sorry."

"Make it up with me in bed kung ayaw mong paawat kakasorry." natatawa niyang winika.

"I won't back down babe." I joked. I settled myself in her warm embrace instead.

"I saw some gifts under the Christmas tree, kanino galing yun?" tanong niya.

"Kay Mika."

"Ahh, nice." yun lang ang sinagot niya at naging awkward naman ang paligid.

"Let's go to bed babe. Let's sleep early dahil madami pa tayong dapat atupagin bukas."

Tumayo na ako at nagpabuhat na din sa kanya paakyat sa kwarto namin, exercise niya to.

*****

We were busy preparing habang ang mga bata naman ay nakikipaglaro sa mga anak din ng kaibigan ko. Si Jovs at Kaye naman ay hindi nag-uusap, walang kibuan.

"Pagpasensyahan mo na si Pangga ha." wika ni Gretch.

"Okay lang, naiintindihan ko naman. Alam kong affected din naman siya sa nangyayari. It's about her best buddy anyway." i smiled at her.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon