K A Y EHindi ko alam kung anong nagyari at nilapitan ko siya. Hindi ko din alam kung bakit ko siya niyakap, pero sigurado ako, ayokong makitang umiiyak ang boss ko.
"Queeny, tahan na." pag alo ko sa kanya.
"Miss na miss na kita Mika."
Mika? So that's her wife's name huh? Gago yung Mika na yun para paiyakin si Queeny. Wala ka nang hahanapin dito e, ngiti pa lang ulam na.
"What can I do for you para hindi ka na umiyak?" tanong ko.Mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko alam kung anong mali, yung inaalo ko yung boss ko o yung kagustuhan ko mayakap siya ng mas mahigpit.
Lumayo naman siya sa akin at umiling saka bumalik sa lamesa niya. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas muna saglit. Syempre nagpaalam ako. Umorder na lang ako kay Len ng usual order niya at binayaran din ito.
"Queeny, baka makatulong." sabi ko at inabot ang mga binili ko.
"You didn't have to." sagot niya pero nginitian ko siya.
"But I want to."
Bumalik na ako sa lamesa ko at ginawa na ang trabaho ko. Hindi ako makapagfocus kasi ang gago talaga nung asawa niya. Pag nakita ko yun, susuntukin ko yun kahit mahal pa siya ng boss ko. Kahit nga matanggal ako okay lang eh, nakakapanggigil talaga.
*****
I was fixing my things na, ready na akong umuwi nang magring ang phone ko, it was my girl kaya agad kong sinagot.
"Hooooon!" bungad niya."Yes hon?"
"Dadaan ka ba dito bago ka umuwi?"
Napatingin naman ako sa boss ko na mukhang tulala. Ayoko siyang pabayaan ng ganito lalo't magdadrive pa siya.
"Bawi na lang ako bukas hon, may dadaanan lang ako." pagpapalusot ko, and shit, I'm lying sa girlfriend ko.
"Okay. Ingat ka, miss you!"
"Yeah, miss you too hon."
Binaba niya na ang tawag. Lumapit naman ako sa boss ko at naupo sa upuan sa harap ng desk niya. Nakatulala pa rin siya.
"Queeny." pagtawag ko sa kanya at nagulat naman siya.
"Ay Mika!" bigla niyang naibulalas.
"Iniisip mo nanaman yung gago mong asawa."
"Please don't call her like that." bigla naman siyang yumuko.
"Sorry, uuwi ka na ba? Ano kasi eh... Gusto mo bang ano, uhm..." ugh why do I have to stutter. "Ano Queeny kasi uhm, hatid na kita."
"May kotse ako Kaye, kaya ko sarili ko."
"Baka bigla ka kasing matulala, tapos mabunggo ka diba. Gusto ko lang siguraduhin na makakauwi ka ng ligtas." I smiled awkwardly at napabuntong hininga na lang siya.
Tinulungan ko na siya sa mga bitbitin niya, ayaw pa nga niya pero pinilit ko lang siya.
"Ako na magmamaneho." sabi ko, hindi na siya umangal at nagpunta na lang sa shotgun seat.
"Hindi mo naman kailangan gawin to Kaye." sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. I saw sadness, frustration and longingness.

BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfic© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]