Chapter 17

879 34 77
                                    


K A Y E

Nang tumakbo si Gale na umiiyak ay nawala ata lahat ng sense of thinking ko. Sinubukan kong habulin siya pero sa dami ng tao ay nawala rin siya sa paningin ko. Dun ko lang din narealize na iniwan ko si Rad pero sa halip na balikan siya ay sumakay na din ako ng taxi at nagtungo sa bahay nila Gale.

Naabutan ko naman ang kuya ni Gale sa may salas at tinurong nasa kwarto na si Gale. I knocked 3 times pero hindi siya sumagot so I turned the knob, maigi na lang at bukas iyon. Naupo ako sa may kama niya at sinubukan siyang patahanin.

"Hon..." subok kong pag-alo sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako sa kagaguhan ko. Naging makasarili ako at hindi iniisip ang iba. "I'm sorry."

Wala naman akong excuse sa nagawa ko. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya nahiga ako sa tabi niya at niyakap siya, patuloy na humihingi nang tawad sa nagawa ko. Yumakap na lang din siya at patuloy na umiyak.

"I'm sorry hon. Babawi ako, promise. Sorry." I kissed her forehead and she settled her head on my chest.

Hindi na ako umuwi at natulog na lang sa tabi niya.

I cooked breakfast for her. I tried to make-up for what happened. Hindi ako pumasok sa office kasi gusto ko bumawi. I don't want to lose her. Oo ang gago pero ganun talaga, sa 5 years na kasama ko siya, halos puro good memories lang ang binigay niya.

"Good morning hon, I cooked breakfast for us." sabi ko at nginitian siya. "Love, sorry for what happened" sabi ko at inabutan siya ng bulaklak. She pouted kaya I pinched her cheeks lightly and kissed her forehead. "I'm really sorry."

"Let's not talk about that girl please."

"Yeah, kain ka na. Date tayo after." I smiled at ginulo ang buhok niya.

*****

Pag pasok ko sa office ay iniwasan ko si Rad. I acted cold to her for one week, I've decided na ayoko nang masaktan si Gale, sadya man o hindi. After shift ko ay umuuwi na ako agad, hindi ko na siya hinahatid. Hindi na rin ako nagtetext dahil gusto ko na siyang iwasan.

Pero sobrang hirap.

Bawat galaw niya napapansin ko.

Bawat pagsulyap niya sa akin ramdam ko.

Nakakastress sobra.

Gusto ko siyang titigan pero hindi ko magawa.

And then her bubble burst and she confronted me.

"Why are you acting like that? Why are you acting like an asshole?" tanong niya. Ouch.

"Rad, mahal ko si Gale." wika ko. Totoo naman yun pero mahal ko din siya.

"Eh sinabi mo din sa akin yan diba?" tugon niya. Nakakuyom na ang mga kamao niya. Feeling ko anytime susuntukin niya na ako.

"I'm sorry." yun na lang ang nasabi ko at napapikit.

"You are impossible." sabi niya.

Inaasahan ko na sasapakin niya ako pero isang malakas na dabog lang ang narinig ko.

I wanted to run after her.

I do.

Pero I still need to weigh my options kaya ayoko na ulit magpadalos dalos. I can't have both, and that's for sure.

*****

R A C H E L

I went straight to Jovs' house at inistorbo ang cuddle time nila ni Gretch. I lounge myself to her at niyakap siya ng mahigpit.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon