J O V S"Pangga, Rachel called and they got the result." napatingin naman ako kay Gretch.
"Anong sabi?" tanong ko.
"Uhm, mag-punta daw tayo sa kanila kung pwede. Dun pa lang din nila bubuksan."
Tumayo naman ako agad at nagtungo na din kami sa bahay ni Chel. Kami ni Greta ang pinakahuling dumating kaya nang maupo kami ay dahan dahan na din nilang binuksan ang laman ng envelope.
Hawak ni Rachel ang kay Kaye kaya nang magsimula nang umiyak si Chel pagkabukas nito ay kinuha ko mula sa kanya ang result at tinignan ko din ang hawak ni tita.
We finally found her.
Nayakap ko na lang si tita pero hindi ko alam ang dapat gawin kay Chel. Kahit naman nag-away kami tungkol kay Mika ay ayoko pa rin makita siyang sobrang nasasaktan. Tumayo siya at naglakad pataas kaya tinignan ko naman sila, at tumango sila na parang nagsasabing sundan ko kaya naman ginawa ko.
Nakadapa na siya sa kama niya habang humihikbi kaya naman naupo na lang malapit sa kanya.
"Chel..." panimula ko. Alam ko naman siya ang pinaka nasasaktan dito pero haaay. "Chel, nahanap na natin si Mika." wika ko.
"Masaya ka na?" tanong niya bigla kaya napayuko ako.
"Chel nakita na natin si Mika, dapat maging masaya ka." medyo naiinis kong sabi sa kanya.
"Alam ko! Dapat maging masaya ako pero hindi ko makuha. Oo kahawig niya si Mika, oo siya si Mika pero hindi ko siya makilala. Hindi siya kilala nito." sabay turo niya sa puso niya.
"Paano mo makikilala? Sinubukan mo bang kilalanin? Alam kong frustrated ka sa pagkamatay noon ni Mika at nang makakita ka ng kamukha niya binigay mo na agad lahat. Sa tingin mo ba kung siya ang unang dumating magkakaganyan ka ngayon?" tanong ko.
Natahimik naman siya. Siya lang din ang nagpapahirap sa sarili niya.
"Look Chel, bakit mo ba minahal si Kaye? Kasi nakita mo si Mika sa kanya diba?" tanong ko.
"Get out." matigas niyang sabi.
"Let's keep the bargain, ayokong masaktan si Mika." wika ko at tumayo na.
Pagkababa ko naman ay nagpaalam na din ako kay tita para puntahan si Mika.
"Kumusta?" tanong niya nang makarating ako sa tinutuluyan niya.
"Buddy." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Ehem ehem." pagsingit ni Greta at pinaghiwalay kami ni Mika.
"Napadalaw kayo?" nakangiti niyang tanong.
"We found you, ikaw si Mika." maluha luha kong sabi.
Tumakbo naman siya palabas kaya pinigilan ko siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Sa asawa ko." nakangiti niyang sagot pero pinigilan ko siya.
"Wag muna ngayon." saka ako ngumiti awkwardly at agad naman siyang napabuntong hininga.
"Ikaw naman kasi kung saan saan ka pa nagsususuot, nababaliw na tuloy yung asawa mo." pabiro kong dagdag at napangiti na lang siya kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]