R A C H E LNagising na lang ako sa mahihinang tapik sa akin kaya bumangon na ako at isang nakangiting Mika ang nakita.
"Goodmorning babe." wika ko at niyakap siya sa kanyang leeg.
"Rad, si Kaye to." ramdam ko sa boses niya ang inis pero nang tignan ko siya ay nginitian niya lang ako at ginulo ang buhok ko.
"Andito na food ni Rika, pakainin mo na siya. Bibili lang ako ng pagkain nating dalawa."
"Kaye, you can go home na. Ako na ang bahala dito." nag-inat na ako at tumayo para gisingin na ang prinsesa namin.
"Babalik ako, bibili ako ng pagkain natin tapos uuwi ako, saka magtatrabaho tapos babalik dito."
Napatingin naman ako sa kanya at mukhang hindi nagbibiro ang mukha niya.
"Hindi mo naman kailangan gawin yun Kaye. Kaya ko na 'to." pagtutol ko dahil hindi naman niya kailangan gawin yun. Hindi niya naman alam yung responsibilidad niya.
"Gusto kong gawin 'to Rad, kahit ngayon lang, hayaan mo ako." Hinawakan naman niya ang pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang pag-init nito, nakakahiya!
"Pero Kaye..."
"You can't stop me. Wala naman tayo sa trabaho. Bibili na ako ng food natin."
She kissed me on my forehead at ngumiti saka tuluyang umalis ng kwarto, that left me speechless but when I recovered, napangiti na lang at tuluyan nang ginising ang anak ko.
"Baby, kain ka na." marahan kong hinaplos ang buhok niya.
"Mimi."
"Bumili ng food namin si mimi, she took good care of you all night kaya kain ka na so she wouldn't be so worried na okay?"
She nodded and I helped her na makaupo. Kasabay naman nun ang pag ring ng phone ko at nakitang tumatawag si Mael.
"Hello Ma, kamusta po si Rika?"
"Mahina pa din pero okay na, papasok ka na ba?"
"Opo, punta po sila yaya dyan kasama yung kambal. Iyak nang iyak eh, hinahanap ka po."
"Ah sige. Ingat ka pagpasok."
"Opo dadaan po ako dyan after class. Bye ma! Love you!"
"Love you too kuya."
Pinakain ko na si Rika at maya maya ay dumating na din si Mika na may dalang pancakes from McDo since yun ang malapit na fastfood dito sa hospital. 4 ang binili niya na tig 3 pcs dahil hindi niya daw alam kung kasya sa akin yung isa.
"Matakaw ba tingin mo sa akin?" tanong ko.
"Grabe, baka kasi na-drain energy mo. Concern lang sayo." she then started placing our food sa may mini table.
"I don't need food naman. I need my wife." sabi ko at rumehistro nanaman ang masamang awra sa kanya.
"Ah yung babe mo na nasa ibang lupalop ng Pinas." inis niyang sabi. Welcome back my jealous Mika! Haha!
"Nandyan lang yun sa tabi tabi." sagot ko.
"Edi papuntahin mo dito nang masuntok ko."
"Mama wag mo awayin si Mimi." pagsita sa akin ni Rika kaya umismid si Mika. Natawa na lang ako at sinubuan din siya ng pancakes kahit kakakain niya lang.
"Grabe inaaway ako ng mama mo." nagpout pa si Mika.
"It's okay mimi, lab naman kita." and that melt my heart when she smiled at her Mimi lovingly. "Penge pancakes." natawa naman bigla si Mika ng malakas, bolera pala anak namin, pancakes lang ang gusto.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]