M I K A"Mahal, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Rad, mukhang naalimpungatan siya. Yumakap naman siya sa akin mula sa likod habang nakasandal ako dito sa railings ng Balcony.
"Hindi ako makatulog." sagot ko dahil napaparanoid na ata ako sa mga pinagsasasabi ni Chris.
"Mmm, please don't stress yourself out. Isang buwan na din naman na but he never made some move."
"Ayun na nga mahal e. Isang buwan na, we know Gale, she won't stop. Idagdag mo pa na may utak si Chris kaya nakakatakot." humigpit naman ang yakap niya sa akin at nilapat ang baba niya sa balikat ko.
"Naireport naman na natin sa police, let them handle." wika niya at hinarap ako sa kanya. "Mika, sa ating dalawa ako yung dapat mas matakot. Minsan ka nang nawala sa akin at hindi na ako papayag na mangyari ulit yun sa kahit sino sa mga mahal ko. Wag mo na istressin ang sarili mo kasi wala namang maitutulong yan. Magkakasakit ka lang, mag-aalala lang ako." humalik naman siya sa noo ko.
"Mahal, how was life when ano, when you thought I was gone?" humawak naman ako sa bewang niya at medyo nilapit siya sa akin.
Tinignan naman niya ako ng mata sa mata at ngumiti ng may halong pait kaya napapout na lang ako.
"Sorry." sabi ko dahil alam kong nasaktan ko siya ng hindi sinasadya.
"It's okay." saka niya hinawi ang bangs ko. "Ofcourse mahirap bumangon nung mga unang araw na wala ka. Hindi ko matanggap kasi may isang buwan pa ako e. May isang buwan pa ako para makasama ka dapat."
"Sobrang sakit na gumising ako, hahanapin kita tapos marerealize kong wala ka na nga pala." nagsimula na siyang maluha kaya nalungkot ako.
"Babe, sorry." wika ko at pinahiran ang luhang nasa gilid ng mata niya.
"Hindi mo naman kasalanan yun mahal." she lightly punch me at ngumiti ng bahagya. "Sobrang sakit babe. Para akong paulit ulit na pinapatay kada gigising ako, pero naisip ko may mga anak tayong kailangan kong alagaan. That kept me to move forward."
"I'm here naman na. Alive and kicking." wika ko.
"Thank you for raising Mael, magkaugali na nga kayo e. He made sure to lessen the pain kahit papaano." napangiti na lang ako.
"Halika na matulog na tayo." wika ko at naglakad na kami papasok ng kwarto.
Pinaunan niya ako sa braso niya at binebaby ako para daw makatulog ako. Natawa na lang ako pero yeah, I like this. Her warmth is soothing na nakatulong para antukin ako at makatulog din agad.
*****
"Ken kamusta naman na yung pinapahanda kong ebidensya?" tanong ko dahil ilalaban namin sa korte ito.
"Mahina pa po ang laban natin sa ngayon mam. Hindi sapat ang text message mula sa mga tauhan niyang nahuli natin. Walang proof na magtuturo kay Chris." sagot niya kaya hinilot ko naman bigla ang sentido ko.
"Kahit may pictures siya kasama ang mga iyon?" tanong ni Riri.
"Under investigation siya for now, pero we can't detain him just because of a photo." wika ni Ken.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]