Rad'sI was checking my emails sa kwarto, it's 8 pm pa lang naman but my kids asked to sleep with me so nakahiga na sila sa kama namin ni Mika kaya dito na ako nagbrowse, may ichecheck lang naman talaga ako.
May kumatok sa pintuan ko kaya dahan dahan akong bumangon dahil baka magising ang kambal, si Mael at Rika kasi ay naglalaro pa ng Uno sa lapag.
"Mam, nandyan po si sir Chris sa labas." Sabi ni manang.
"Tito!" sigaw ni Rika at nagtatatakbo na palabas ng kwarto.
"Sige manang, papasukin mo na." Labag sa loob kong sabi at napabuntong hininga na lang.
Agad naman nagpabuhat ang anak ko sa taong kakapasok lang; may dala nanaman siyang bulaklak at mga chocolate na agad binuksan ni Rika. Pinaupo ko naman siya sa sofa.
"Flowers for you Chel." magiliw niyang sabi.
"Thank you." kahit ayoko tanggapin ay wala naman akong magawa.
"How are the kids?"
"They're doing good."
"Hindi ba nila hinahanap si Mika?"
"Always. Hindi naman na mawawala yun. Siguro yung kambal hindi naiintindihan pero si Mael at si Rika, na kahit pa ilang taon pa lang eh laging hinahanap mimi nila." sagot ko at inalok siya ng juice na dala ni manang.
"Chel, don't you want to give your children a father figure na they can look up to?" napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko naman kung saan na ito papunta.
"Mama." napalingon naman ako kay Mael at nakitang masama ang tingin nito.
"Hi Mael." nakangiting bati ni Chris sa kanya.
"Pasensya na po, pero tito Chris, hindi namin kailangan ng iba maliban kay mimi. Maliit pa naman ang mga kapatid ko pero they can look up to me. Hindi ako papayag na papalitan ng kahit sino si mimi."
I clap inside my head slowly. Napakagaling ng anak ko. It's a good thing na alam niyang buhay si Mika, narinig ko kasi noon na if ever daw may manligaw sa akin ay kilatisin daw maigi ni Mael but since Mika is alive, no one would be able to woo my not so little man.
"Chris I'm sorry about that."
"Okay lang Chel, I completely understand. I guess I need to woo your children first." he smiled charmingly pero it has no effect on me duuh.
"Haay."
"I won't give up Chel. I won't, never."
Hinatid na siya ni manang palabas at pinuntahan ko na muna si Mael para makausap.
"Nak." pagtawag ko ng pansin niya.
"Hindi ka ba niya titigilan ma?" inis niyang sabi kaya nilapitan ko siya at ginulo ang buhok niya.
"Hindi anak, hanggat di tayo naaalala ng mimi mo, hindi ko pwedemg ipagkalat na buhay siya."
"Haaay, nakakainis kasi ma. Ayoko mahulog ka dun tapos..." natawa na lang ako at hinagkan siya sa noo.
"Mael anak, si mimi mo lang ang nandito, siya lang." turo ko sa isip at puso ko saka ngumiti. "saka kayo."
He smiled at yumakap ng mahigpit sa akin. Pinatulog ko na sila ni Rika saka ako pumunta sa balcony. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin, I badly miss my wife; her hugs, kisses, everything about her.
I hugged myself at inisip na yakap niya ako. My ghad, gustong gusto ko na ulit makasama si Mika.
*****
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]