Chapter 22

879 35 67
                                    


R A C H E L

S Q U A D 😎

Greta's
Kamusta kayo ni
Mika Chel?

Bea ni Jia
Nasabi mo na ate?

Greta's
Or nagseselos pa
din siya kay Mika?

Boss ni Bea
Guys yaan niyo na
muna si ate Chel.

Gonzaga na ako ❤️😂
Give her a break.
Magkukwento naman
yan kung gusto niya.

Riri mag-isa
Mga chismosa kasi 😛


My phone kept buzzing sa sunod sunod na notification pero hinayaan ko lang sila. I am not really in the mood to talk to anyone right now.

I'm lying on my bed, still contemplating why the world is cruel to me, when someone knocked kaya sinabi kong bukas naman iyon.

"Mama, tita Den is here." sabi ni Mael.

"Hoy bruha! Ano na?!" talak niya kaya nagtakip ako ng unan.

"Go home Den." sabi ko at binato siya ng una.

"Ano? Ganyan ka na lang? Hindi mo man lang ba susuyuin yung asawa mo? Isang linggo ka nang nagmumukmok dito." sabi niya sabay hatak sa akin para maupo.

I looked away, sa loob ng isang linggo wala naman talaga akong ginawa. Hindi ko din naman alam kung ano ba talaga ang dapat gawin.

"Mahiya ka sa balat mo uyy. Ngayon ka lang manunuyo ha. Buong buhay mo si Mika ang nanuyo sayo." saka niya ako binatukan.

"Eh ayaw naman niya ako pakinggan!" himutok ko.

"Kausapin mo kasi ng maayos. Dalhin mo yang picture ni Mika at ingudngod mo din sa kanya yung mga pictures niyo." saka niya kinuha yung frame na itinago ko sa closet namin.

I sighed and looked at her. Di ako sanay, lalong di naman ako marunong dahil nga never naman ako nanuyo. Paano din ba kasi ako manunuyo? Hindi naman nagagalit sa akin si Mika, hindi rin naman siya nagseselos ng sobra kaya wala akong susuyuin.

"Anong dapat kong gawin?" nahihiya kong tanong.

"Edi ano..." natigilan naman siya, marahil wala din maisip na matino. "Ah basta! Go na. Magbihis ka na." sabi niya at hinatak ako patayo saka tinulak tulak papuntang banyo.

After ko magbihis ay kinuha ko ang mga pictures namin ni Mika. Yung wedding picture namin, pati na nung college pa kami. Nakasakay na kami ni Den sa kotse ko nang tignan ko siya ng seryoso.

"What?" tanong niya.

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

Natahimik naman siya bigla at saka nag peace sign. This is fucking hopeless. Bababa na sana ako nang tumunog naman ang phone niya. Nag gesture siya ng wait lang.

"Hello Ri, anong balita?" tanong niya at niloudspeaker ang phone niya.

"Mag-aasawa na talaga ako para hindi na ako utusan sa barkadang to." bungad ni Riri kaya napangiti na lang din ako kahit papaano.

"Ano nga balita? Nakita mo na ba?"

"Ang laki laki ng Manila teh!" reklamo ni Riri. "Pero galing siya sa shop ni ate Rachel kanina."

Sa sinabi naman ni Riri ay tinignan ako ni Den ng masama at inirapan. Sinabi naman ni Riri kung saan ngayon si Mika kaya naman agad agad na din kami nagpunta doon. Nakaupo lang siya habang nagbabato ng bato sa may lake.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon