Chapter 32

938 27 67
                                    


R I R I

Sobrang tahimik sa kotse ni Bea. Miski yung iyak ni Chel ay hindi ko marinig. She was looking at her wedding ring habang patuloy na umiiyak. Ayoko siyang kausapin kasi baka bigla na lang akong mamatay dito sa kinauupuan ko.

Tumingin naman ako kay Bea at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at dinala niya si Chel. Ang gusto ko lang naman kausapin namin si Mika, hindi yung pag awayin sila ni Chel.

"Pag ba hindi napagbigyan kailangan na humanap ng iba?" biglang tanong ni Chel habang nakatingin sa labas.

"H-ha?" tanong ko dahil hindi ko masyado maintindihan kung ano yun.

"Tumanggi ako sa gusto niya. Unang beses kong tumanggi dahil hindi naman talaga siya mahilig magyaya pero ganito na agad makukuha ko?" natatawa niyang sabi habang umaagos pa rin ang luha niya.

"C-chel b-baka k-kasi.." sinusubukan kong hanapin sa dulo ng dila ko yung dapat kong sabihin pero hindi ko din talaga alam kung anong dapat sabihin.

"She's not the Mika we used to know. Madaming nangyari in the past 2 years, maraming nagbago that's for sure. Let her cool her head muna." wika ni Bea.

"Kahit pa nagbago siya, sapat bang rason yun para mang-babae siya? Hayop. Kasal siya at may mga anak." nakagat naman niya ang labi niya sa inis.

"Queeny, stop crying. I'll deal with that shit head later." sabi ni Bea.

"'May gusto ka bang daanan muna?" tanong ko dahil baka gusto niyang magpahangin.

Umiling naman siya at napabuntong hininga na lang si Bea. Mabilis kaming nakarating sa kanila at matamlay siyang pumasok.

"Beatriz." nagulat naman ako sa nagsalita at napalingon kung saan galing yung boses.

"Mi-Mika?" kumunot naman agad ang noo ko at susugurin na sana siya.

"You shouldn't be here." wika ni Bea.

Kinwelyuhan naman siya nito. "Sabi ko sayo ilayo mo sa lahat nang makakasakit sa kanya, bakit mo ginawa yun?" Oh, I think she's Kaye.

"I have to! She's been cheating since day 1 pero hindi ko masabi dahil wala akong pruweba and nobody would believe me!" sabi ni Bea at tinanggal ang kamay ni Kaye sa kwelyo niya.

Naglakad naman pabalik balik si Kaye at halatang inis na inis ito. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong niya.

"Because you'll have more reason to fight for her. Hindi mo lalong lalayuan si Chel kung sinabi ko sayo. Masasaktan ka lang dahil hindi ikaw ang pipiliin niya." paliwanag ni Bea.

"Teka nga, paano ka nakakasigurong si Mika yun? Baka siya yung may babae." sabay turo ko kay Kaye at binigyan ako ng 'what-the-fuck' look.

"I can't be mistaken. Magkaiba pa ang buhok nila nung panahon na yun plus Kaye have 2 piercing in her left ear." natawa naman ako.

"Nuks. Sumbong kita kay Jia." saka niya ako binatukan.

Naihilamos na lang ni Kaye ang kamay niya sa mukha niya. "Please, take good care of her. Babalik ako kaagad, as soon as possible. May mga kailangan lang akong gawin. For the mean time, please please. Nakikiusap ako sainyo, huwag na huwag niyo nang hahayaan si Mika makalapit sa kanya." sabi ni Kaye at sumakay na ng motor niya.

"Saan pupunta yun?" tanong ko.

"Aba, malay ko. Babalik yan agad, hindi naman niya matitiis si Queeny." Bea shrug at sumakay na sa sasakyan niya.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon