Chapter 35

1.1K 35 66
                                    


"Putang ina! Ahhh!" sigaw niya.

Dali dali namang tumakbo ang babae papunta sa silid niya.

"Nasaan na yung Kaye na yun?! Ilabas mo yung hayop na yun!" gigil niyang sabi sa babae.

"Nasa storage room, teka." sagot ng babae.

Aligaga siyang naglakad pabalik balik sa sobrang inis. Nasira ang plano niya, ilang taon siyang naghintay para dito at ganun ganun na lang nasira.

"Boss." wika ng lalaking dala dala si Kaye, ang totoong Kaye.

"Anong nangyari?! Paano nakaalala si Mika? Sabi mo magaling yung pinuntahan natin!"

"Hindi ko alam! Itanong mo kay Gale, siya nagpabaya kay Mika." sagot nito.

"Bakit ba kasi lumuwas luwas pa kayo?" gigil na gigil niyang tanong.

"Dinamay mo kasi ako sa kalokohan mo! Malay ko ba! Bakit kasi pati si Rachel kailangan mong burahin sa memorya ko." tanong ni Gale.

"Di ka kasi marunong umarte, mahahalata ka kaagad kung magtagpo man kayo." sagot niya. "Paano niya nakuha ang singsing sayo? Paano ka niya natunton ha?"

"May lahi atang detective e. Hindi ko din alam." sagot ni Kaye.

"Kuya, anong gagawin natin?" tanong ni Gale.

"Hayaan sila magsaya panandalian, dudurugin ko si Mika."

"Hanggang dito na lang maitutulong ko Chris, sinakripisyo ko na ang mukha ko sa kahibangan niyo." sagot ni Kaye.

Naupo na lang si Chris sa
swivel chair niya at nag-isip ng maaaring gawin kay Mika.

Kailangan niyang gumanti.

Hindi pwedeng hindi mapasakanya si Rachel.

*****

M I K A

"Nakabusangot ka nanaman dyan." wika ko nang makapasok ako sa kwarto namin.

"Kailan ka ba pipirmi ha?" masungit niyang tanong,

"I miss you too babe." natatawa kong sagot sa kanya at naupo sa swivel chair sa may desk ko at saka siya pinaupo sa kandungan ko.

Yumakap naman siya at isiniksik ang ulo niya sa balikat ko.

"Meron ka na ba at ang lakas ng mood swings mo?" biro ko pero umiling naman siya.

"Layas ka kasi nang layas." sabay pingot niya sa tenga ko.

"Aray, sorry na, hindi na nga e." wika ko habang hinihimas ang tengang piningot niya at nginitian siya.

"Madami ka pang kailangan sabihin sakin." saka niya ako tinaasan ng kilay.

"Hmmmm bukas na. May iba akong business ngayon gabi." saka ko siya kinindatan pero sinamaan niya lang ako nang tingin.

"Ikaw ba talaga si Mika? Last time I check hindi siya maharot." wika niya saka kami natawa parehas.

Napailing na lang ako at binuhat na siya papunta sa kama namin. Pag kumindat maharot agad? Mga gawain niya kasi ipinapasa sa akin.

"Mahal, paano ka nakaalala? Tsaka kailan pa? Kahit yun na lang sagutin mo." wika niya nang makahiga kami.

"Sino ba nagsabing nakakaalala na ako?" tanong ko sa kanya.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon