K A Y EInis akong umuwi at hindi ko din alam kung bakit. Masaya naman ang araw ko pero bigla na lang nagshift yung mood ko. Hindi ko na kasi dapat tinanong yung tungkol sa asawa niyang gago.
"Hoy!" sabay hampas ni Eli ng unan sa akin.
"Bakit ba?"
"Nahihilo ako sayo. Maupo ka nga." reklamo niya kaya naupo ako at nag stomp na lang ng paa. "Problema mo?"
"Hindi ko alam." kamot batok kong sagot kaya tumawa siya.
"Pacheck up ka na, baka malapit ka nang mabaliw."
Inirapan ko na lang siya. Miski naman ako hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya naman kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Gale.
"Hooon!" bungad niya kaya agad kong na-ilayo sa tenga ko ang phone ko.
"You should stop yelling at me." sabi ko.
"Ang sungit mo!"
"Sorry. Kunain ka na ba?" malambing kong tanong, yeah I know, I'm having mood swing.
"Hindi pa, where are you? Hindi ka dumaan dito eh." I can sense sadness all over her voice kaya medyo natawa ako.
"Nasa bahay na ako. Miss mo na ko noh? Ayiee."
"Ha. Ha. Ang funny mo. I was just asking."
"Indenial ka pa hon." We both chuckled.
"Di ah. Sige na. Good night hon. Love youuuuu."
"Good night."
Binaba ko na din ang tawag at heto nanaman ako. Iniisip yung gago niyang asawa. Nakakapikon naman kasi, apat anak nila tapos iiwan niya lang? Nakakaasar sa totoo lang. Ang ganda ganda ni Queeny tapos napakacute ng mga anak nila tapos ... tapos ... tapos iiwan niya lang? Nagawa pa talagang maghanap ng ibang putahe e all in one na si Queeny? Jusko naman.
Naihilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko. Nakakaloko kasi talaga.
"Spill it Kaye." sabi ni Eli habang nagscroll sa phone niya.
"Eh kasi..." napabuntog hininga ako. "Yung boss ko."
"What? Nilalandi ka? Wow, iba ka talaga." singit niya kaya siya naman ang hinampas ko ng unan.
"Hindi kasi ganun! Iniwan siya ng asawa niya tapos apat anak nila. Imagine that? Tapos mahal niya pa rin kahit may kasama ng iba."
"Alam mo Kaye, it's none of your business. Hindi porket nagkwento sayo yung boss mo eh may karapatan ka ng makialam. Hayaan mo siya. She'll find someone better, malay mo, ako pala yung para sa kanya. Pakilala mo nga ako."
"Ulol." agad kong sagot.
Sa narinig kong yun ay inirapan ko siya at napailing na lang. Tama naman siya, wala akong karapatan makialam sa buhay ng boss ko. Empleyado niya lang ako.
*****
Agad kong chineck ang phone ko pagkatapos ko maligo at nakita ang mangilan ngilang text mula sa boss ko. Agad ko namang binasa ang mga iyon.
From: Boss Q 😎
(9:30 am) Good morning Kaye :) can you go here sa office ng around 11? Someone wants to talk to you before your shift ☺️
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]