R A C H E L"Joke lang." pahabol niya at binitawan ang kamay ko.
Gusto ko siyang suntukin kaliwa't kanan baka sakaling maramdaman niya yung sakit ng pinakilig saglit tapos binitawan, napakapaasa.
"So loyal ka?" tanong ko.
"Sana." sagot niya saka tumawa ng bahagya at inakbayan ako, chansing. "Magagalit ba asawa mo kung lalandiin kita?"
"Di ko alam, subukan mo." sagot ko bago ko siya inirapan at tinanggal ang kamay niya sa pagkakaakbay, napakapafall naman pala. "Baka maging effective tapos balikan niya ako." dagdag ko.
"Edi hindi na pala. Ayokong balikan ka niya." sagot niya kaya kinurot ko siya.
"Babalikan niya ako." babalikan mo ako.
"Wag na, sa iba ka na lang. Akin ka na lang." nakangiti nanaman siya na parang tanga kaya inihilamos ko ang palad ko sa nakakaloko niyang mukha.
"Ang landi mo, kala mo wala siyang girlfriend e noh?" tanong ko pero tumawa lang siya.
Dumating naman ang kambal kasama ang mga yaya nila na kakagaling lang sa playground nitong hospital. Agad ko naman silang pinunasan ng pawis.
"Mimi." wika ni Michel.
"Yes baby?"
"Lab yu." Sabay yakap nito kay Mika.
"Why are your kids so sweet ha? Baka pag nagtagal ma-attach ako sa mga to, hindi ko na kayo iwan." wika niya at humalik halik kay Michel dahilan para humagikhik ang bata.
"Edi maigi." sagot ko kaya tumingin siya sa akin saglit.
"Anong sabi mo?"
"Kako maigi sana kung wala kang girlfriend at wala akong asawa."
Nagshrug na lang siya at ibinalik na ang atensyon kay Michel. Dumating naman din si Greta at Jovs na may dalang prutas.
"Chel, usap tayo sa labas." sabi ni Jovs at tumayo na kaya sinundan ko siya.
"Bakit?"
"Tungkol sa kaso ni Mika, Ken called me kanina. Mika is living with Eli diba?"
"Oo nasabi nga niya sa akin."
"I don't think may alam si Eli about sa inyo, but Ken was able to fish out some information about Mika. She's been friends with Eli for a year na din, halos kakalipat lang daw nila sa manila. Parang month pa lang when Rika went missing sa mall."
"How did she knew Kaye?"
"Through Gale." she smirked.
"You know what, this is still a big puzzle to me. She remembers you, Ara and Den tapos may memories siya ng childhood niya then 5 years na sila ni Gale. Lahat ng events may kwento siya. Hindi ko maintindihan, possible ba yun?"
Sobrang gulong gulo na ako. Ni hindi ko nga alam kung may sakit pa ba yung asawa ko o natuluyan na talaga dahil hindi niya na kilala sarili niya e.
"Chill ka muna. Atleast we have some progress. Mabilis naman magtrabaho si Ken, I'm sure in no time you'll be able to unveil the secret to this mystery." wika niya at niyaya na din ako pumasok.
Pinagmasadan ko lang si Mika at si Rika na nag-uusap nanaman. Sabihin ko na lang kaya? Kaso baka balikan kami ni Gale, baliw na ang babaeng yun, malakas na ang toyo sa utak.
Alas otso na din nang magpaalam ang dalawa pero bago yun ay pinaalam nila sa akin na namove ang kasal nila at in 2 months na. I asked them why at sinabing para sa akin, para sa amin ni Mika. Grabe malasakit sa akin ng mga kaibigan ko, kaya mahal na mahal ko din sila eh.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]