M I K A
After ng moment namin ay ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya saka hinalikan ang likod nito.
"You don't know how much I've missed you babe." wika ko.
"Please tell me hindi ito panaginip." naiiyak niyang sabi kaya umiling ako at muling hinagkan ang labi niya.
"Hundred percent real to babe." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Pero yung DNA." bakas ang pagtataka sa mukha niya.
"Mamaya na natin pagkwentuhan yan." wika ko at hinawakan ang bewang niya saka naglakad papunta sa table ng mga kaibigan namin.
Nang makarating kami sa table ay si Gretch at Riri pa lang ang nandoon, naupo ako at kinandong ko naman ang asawa ko.
Ah, I missed this.
"Birthday ni lolo pero ikaw ang may regalo? Ang galing naman." wika ni Greta kaya nilingon ako ni Rad at pinaningkitan ng mata.
"Alam nila? So ako huling nakaalam? Kailan pa ha?" mahinahon niyang sabi habang pinapatay ako ng mga tingin niya.
"Mamaya na babe." sabi ko at yumakap na lang sa bewang niya.
Wala na din naman siyang nagawa at nilagay na lang din ang braso niya sa may balikat ko.
"Hay, ma-uumay nanaman tayo sa kalandian ng dalawang 'to." komento ni Den kaya sinamaan siya nang tingin ni Rad, natawa na lang ako.
"Wag kayong magulo, namiss ko tong hilaw na German na to." sabi ko kaya piningot ako ni Rad.
"May kasalanan ka pa sa akin." wika niya kaya nag hands-up na ako.
"Chel."
Napatingin naman kami sa nagsalita, si Chris pala iyon. Pinatayo ko naman si Rad para makatayo din ako saka ko hinawakan ang kamay niya.
"Bakit ka nandito Kaye?" tanong niya.
"I'm getting my queen back tutal hindi naman siya kayang alagaan ni Mika." sabi ko at ngumiti ng mapang-asar.
"No! She's mine!" at bigla naman siyang nag-amok.
"Really? I can't see anywhere that she's yours. Last time I check din, she's mine." I showed him our wedding ring.
Bakas ang gulat sa mukha niya kaya inismiran ko siya at hinapit si Rad sa bewang.
"I'm Mika Reyes by the way, baka kasi nakalimutan mo, ipapaalala ko din na asawa ko si Rad." nginitian ko siya saka hinarap si Rad para halikan.
Masuyo ko namang hinalikan ang asawa ko sa harap ng chinoy. Maya maya ay naramdaman ko na lang ang pagkurot ni Rad sa bewang ko.
"Sorry, nadala nang bugso ng damdamin." wika ko saka tumawa.
"Chel, please." saka naman ito lumapit kay Rad at lumuhod.
"Chris, I'm sorry."
"I can give you everything she can't." pagsusumamo nito.
"I already have everything. Mika and my kids are my everything." wika ni Rad dahilan para kiligin ako.
"No! Fuck! I've worked hard on this!" sigaw niya at hinawakan ang braso ni Rad ng mahigpit kaya agad ko siya sinuntok.
"Guard!" sigaw ni Jovs at pinalabas si Chris.
"Iba talaga ang kamandag ng isang Rachel Anne." wika bigla ni Ri dahilan para magawanan kami.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]
