R A C H E LNiyaya niya ako mag MOA eye. Nakakainis man ang amoy ng pabango niya ay hindi ko na lang pinansin. Mas gusto ko yung warmth nang yakap niya, pero joke lang, kapansin pansin talaga yung amoy niya.
"Magpalit ka na ng pabango." utos ko sa kanya, masakit sa ilong eh.
"Si Gale kasi pumili nito." nakangiti niyang sabi.
Minsan gusto ko siyang batukan. Feel na feel niya pa na galing kay Gale e kabit naman niya yun. Bigyan ko na lang siya, mas mabango pa.
"Kamusta na pala preparation sa kasal ni Jovs?" tanong niya.
"Wala naman ng problema sa kasal nung dalawa. Hinihintay na lang talaga nila yung mismong date ng kasal nila." sagot ko.
"She's finally settling down, nakakainggit." wika niya kaya natatawa na lang ako sa isip isip ko.
Like hello? Ikaw nga kasal na din at may apat pang anak.
"Sunod ka na din ba?" tanong ko.
"Depende kung papayag ka." tumawa siya pero hindi ko napigilan mapangiti sa sinabi niya, nakakakilig kaya.
"Paano kung pumayag ako?"
"Bakit? Divorced ba kayo nung ex wife mo?"
"Sabi ko nga hindi tayo divorced e, kasi hindi naman tayo maghihiwalay." bulong ko at tumawa dahil kumunot lang ang noo niya.
"Anong sabi mo?"
"Wala. Ang ganda kako ng view. Kung chocolate ako baka natunaw na ako sa titig mo" sabi ko at hinarap siya sa kabilang side, kanina pa kasi siya nakatitig sa akin.
"Eh mas maganda ka naman sa view." pambobola pa niya.
"Bolera." sabay facepalm ko sa mukha niyang nakaharap nanaman sa akin.
"Seryoso kasi, hindi ako magsasawang titigan ka. Kung pwede ka lang tignan araw-araw ginawa ko na kaso hindi pwede kasi may trabaho ako, baka sisantehin mo ako" natatawa niyang litanya.
"Edi sana hindi na tayo sumakay dito." sabi ko with my boring look on kaya ginulo niya ang buhok ko at inihilig ang ulo niya sa ulo ko.
"Kahit saan naman, basta kasama ka okay na ako." sabi niya kaya nagtago ako sa leeg niya.
"Kainis ka." sabi ko at kinagat ang balikat niya.
"Uyy Rad nakikiliti ako." wika niya at hinawakan ang mukha ko.
Nakatitig lang siya habang nakangiti sa akin, di ko malaman kung baliw na ba siya o ano.
"The more I look at you, the more na nahuhulog ako. I need help." sabi niya kaya napangiti ako.
"Nasalo na kita bago ka pa mahulog." sagot ko.
I cupped her cheek and caressed it before slowly leaning myself towards her. She meet me halfway, and as my lips pressed unto hers, I smiled. I'm happy, that's for sure.
Pagkababa namin ng MOA eye ay agad naman niyang hinawakan ang kamay ko, ayaw daw niya akong mawala, parang baliw talaga.
"Shit." rinig kong bulalas niya, she was about to let my hand go but I didn't let her.
"Manloloko." sabi ni Gale at dali daling lumapit sa akin.
"Are you sure na manloloka siya?" I smirked.
"Sino ka ba?!" sigaw niya that caught me surprise.
"Rachel, Rachel Anne Daquis-Reyes."
"Wala akong pakialam kung sino ka." parang tanga, itatanong kung sino tapos wala daw siyang pake?
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]