J O V SAfter ilang minutes ay bumalik na din si Mika na may dalang frappe. She needed that to cool down, ganyan siya pag nagseselos eh.
"Ano nga Chel? Mahal mo pa?" tanong ko kay Chel na natatawa tawa na lang. For sure naman kilig na kilig na ang bruha.
"Di ka pa rin ba tapos sa tanong na yan ha Jovelyn?" tanong ni Mika na naka kunot noo na.
"E hindi niya pa sinasagot e, saka magtrabaho ka dyan Kaye, nag uusap kami ng boss mo." inismiran ko siya at inirapan niya lang ako dahil wala naman siyang magagawa.
"Jovs, wag mo na itanong at alam mo naman ang sagot." sabi ni Rach at narinig ko ang pagdadabog ni Mika sa keyboard niya.
Minsan talaga ang sarap asarin ni damulag. Napaka obvious kasi magselos.
"Tawagin ko na ba si Mika? Sabihin ko namimiss mo na siya. Malay mo bumalik na bigla. Akitin mo kasi."
At dahil sa sinabi ko ay nakaramdam na ako ng kung ano sa ulo ko. Binato lang naman ako ni "Kaye" ng tickler niya.
"Luh, problema mo?"
"Bakit mo papabalikin yun eh sinaktan lang naman siya?" inis niyang tugon.
"Tama na yan. Jovelyn umalis ka na nga dito." saka ako tinampal ni Chel sa noo.
"Sus, bakit Kaye? Selos ka? Edi agawin mo siya kay Mika. I know you could do better." saka ako umismid at nakita kong namula ang tenga niya, I knew it.
"Jovelyn tama na ha, isusumbong kita kay Greta." banta ni Chel kaya nag hands up na ko.
"Sabi ko nga uuwi na ako eh." tumayo na ako at nagpaalam sa mag asawang parang tanga ang istorya ng buhay.
Umuwi ako at nagbukas ng tv. Bumungad naman sa akin ang segment ni Greta at Robi. Nakakainis pa rin yung mga tingin niya sa Pangga ko, sarap dukutin ng mata eh.
Nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.
Pangga 😍❤️ calling ...
"Panggaaa" malambing niyang bungad kaya napangiti ako.
"Yes? What can I do for my future wife?"
"Tigilan mo nga ako sa future wife na yan, kinikilig ako." natawa naman ako sa sinabi niya.
"Oh Greta bakit ka tumawag ha? Ano nanaman bang kailangan mo?" biro ko at narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.
"Miss na kita. Date tayo later?" medyo naging busy siya at kung saan saan nanaman siya napadpad dahil sa work niya.
"Uhm, tignan ko schedule ko ha? Strict po kasi girlfriend ko. Itatanong ko muna sa kanya." biro ko at tumawa nanaman siya.
"I think papayag yun, miss ka na nun e. Anyways, see you later pangga! I love you!"
"Wag ka sumigaw!" sabi ko saka ako tumawa. "I love you more Pangga, I'll pick you up sa bahay niyo. Bye, ingat."
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]