M I K AAgad agad kaming nagpunta ni Rad sa bahay ni Gretch. Sinalubong naman niya kami ng may lungkot at pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Gabi na ah, napadaan kayo? Wala pa si Pangga, hindi ko din macontact." malungkot na sabi ni Greta kaya agad hinawakan ni Rad ang kamay niya.
"Gretch we're so sorry." Naiiyak na wika ni Rad kaya naman naguluhan si Greta sa sinabi nito.
"B-bakit?" takang tanong ni Greta.
"Sorry sorry." Wika ni Rad at yumakap kay Greta.
"Y-ye, ano ba 'to?" tanong niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napakagat ng labi dahil pinipigilan ko ang sarili ko na muling maiyak.
"H-hawak ni Chris si Jovs." Sagot ko at napayuko na lang. "Sorry Gretch."
"Nagbibiro ka lang diba?" tanong niya at kwinelyuhan ako.
"Gretch" pagpigil sa kanya ni Rad pero tinignan ko na lang ang asawa ko at nakipag-usap na lang gamit ang mata na hayaan lang si Gretch.
I know it's frustrating kaya hinayaan ko na lang ilabas ni Gretch sa akin ang sama ng loob niya.
Pinaghahampas na din niya ako pero hindi ko na din pinigilan hanggang sa mapagod siya.
"I'm sorry Gretch, hindi ko naisip na pwede niya kayong balikan." paghingi ko ng paumanhin.
"Ye please, ibalik niyo si Pangga." humahangos niyang paki-usap.
Niyakap ko na lang muna siya habang hinahagod ang kanyang likuran hanggang sa matigil na ang kanyang pag-iyak. Hinawakan ko naman ang dalawang pisngi nito.
"You know, kung hindi nakatali ang kamay nun baka nakauwi na ngayon si Jovs." tumawa naman ako ng bahagya, pagpapagaan ko sa atmosphere. "I promise you, iuuwi ko ng buong buo si Jovelyn dito."
Ginulo ko naman ang buhok niya at pinasama muna sa amin dahil mahirap na kung pati siya kunin. Baka sa halip na si Chris ang pumatay sa akin e, si Jovs ang gagawa nun.
Nang makarating kami sa bahay ay pinatabi ko na lang muna sa mga bata si Greta para naman mawala ang lungkot niya kahit papaano.
"Mahal." tawag ko kay Rad habang nakaunan ako sa kanya.
"Hmm?"
"Ang sakit ng ulo ko." agad naman siyang humalik sa noo ko at hinilot ang sentido ko.
"Nakakastress naman kasi talaga, magpahinga ka na muna."
"Di ako makatulog, iniisip ko si Jovs." sagot ko.
"Wag ka na masyado mag-isip babe. Tayo ang kailangan nila kaya hindi sila gagawa ng masama." wika niya at sinimulan nang suklayin ang buhok ko.
"Pero babe."
"Ang ingay." wika niya at nginudngod ako sa pagitan ng dibdib niya.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko, napakahalay talaga kahit kailan.
"Ayan, tatahimik din pala, matulog ka na." wika niya.
"This is cheating. Good night I love you babe." sabi ko.
"I love you more. Matulog ka na, at ilayo mo yang kamay mo sa bundok tralala." bigla naman siyang tumawa kaya natawa na lang din ako.
"Ang halay mo talaga kahit kailan." napailing na lang ako at yumakap na sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]