Chapter 6

982 32 64
                                        


R A C H E L

It's been a month already since I hired Mika. She's doing fine, she's good at this naman. Things just really don't make any sense at all. She does things naturally, she knows this and that pero bakit hindi niya kami maalala?

Jovs told me na she wasn't able to remember Bea and Ria as well, pero why? I mean, is it even possible to forget her college life and be replaced with something else? I asked her kung saan siya nag aral and told me na sa isang State University siya nag-aral, she even have papers to prove so.

Ang nakapagtataka, she have some stories to tell, yung mga pinagdaanan niya nung college and other stuffs so hindi ko na din talaga alam kung anong nangyayari.

"Rach?" sabay katok mula sa labas ng office ko.

"Come in."

"Hi there." sabi ni Chris at inabutan ako ng bulaklak.

"Do I look like a pot to you?" tanong ko.

I tried na hindi siya sungitan but I just can't. I really am so pissed dahil nagdate pa kagabi si Mika at Gale. Nakuha pa nga niyang magsend ng photo nila sa Messenger eh, the nerve.

He smiled at nilapag ang flowers sa table ko.

"Ah Chel, you look lovely when you're grumpy." nakangiti niyang komento.

"Chris." napabuntong hininga na lang ako. "Please stop this. Sobrang mahal ko si Mika and hindi ko kaya maglet go."

"Rach, kaya nga let's take it slow. I'm willing to wait naman. Just give me a chance." he pleaded and I shook my head lightly.

"Chris, we're good business partners okay? Huwag natin sirain sa ganito."

"Look Chel, I've been in love with you since day1 kahit alam kong may asawa ka na, kahit pa nagkaroon na kayo ng anak hindi ko mapigilan wag mahulog lalo sayo. Alam kong mali noon, kaya nga ngayong may chance na ako, I want to grab it. So please... Kahit hindi ka umoo, hayaan mo lang ako ipadama kung gaano kita kamahal."

Oo sinabi sa akin ni Mika noon na I should open up my doors when she's gone. Okay lang naman siguro kung matututuhan ko mahalin yung kakatok na yun pero paano kung buhay naman yung asawa ko diba, buhay ang mahal ko and I'm bringing her back in my arms no matter what it takes.

"Chris, do whatever you want pero don't expect something in return. I love my wife, I really do."

"You don't have to unlove her, I know she's your one great love. All you have to do is love me."

"Bahala ka."

"Thank you."

He smiled at nawala ang mga mata niya. Nagpaalam na din siya agad at aasikasuhin niya pa ang business niya. Maliban kasi sa nag invest siya dito ay may company pa siya, edi siya na.

Kinuha ko na ang flowers at inilipat iyon sa vase, I do appreciate little things naman.

"Good morning mam." bati sa akin nang kakapasok lang sa office ko.

"Good morning din Kaye." she smiled lovingly after I said those and ghad, I want to kiss her.

"Nice flowers, binili mo?" nice daw pero nakakunot noo siya.

"Nope, binigay ng gustong manligaw sa akin." I said and smiled a little at her.

"Okay lang sa dati mong asawa?" nakataas na ang kilay niya.

"Ewan ko, okay lang ba sayo?" bulong ko at napailing na lang nang tanungin niya ako kung anong sinabi ko. "Ewan ko, malay mo bumalik pag nagselos at maisip niyang mahal niya pa ako." sabi ko at tumawa ng bahagya.

I saw her pout, I walked hanggang malapit na ako sa kanya. Parehas kaming nakatayo and I looked into her eyes. I removed her eye glasses, ginulo ko ang buhok niya bago ito ayusin ulit. Nakita kong napalunok siya kaya napaismid ako. So I still have an effect on my unfaithful wife haha.

"Ayan, mas bagay sayo yung ganyan." I smiled

Hindi ko alam kung lumindol ba o ano dahilan para ma-out of balance ako, nasalo naman niya ako at ngayon ay nakatitig lang ako sa kanya. My eyes were locked in hers, then I saw her glimpse on my lips maybe. I didn't even know why I bit it when she took a glimpse.

"Good morning!" sigaw nang kakapasok lang kaya napahiwalay na kami ni Mika sa isa't isa. Dumiretso na siya sa table niya at parang nahihiya.

"Beatriz, what are you doing here?" tanong ko.

"Awww, almost there na ba?" maloko niyang tanong kaya hinampas ko siya.

"Anong sadya mo?"

"You know, the preggy lady asked me to buy some of her favorite red velvet cheesecake."

"Go ahead, kunin mo na yung isang buo. Sabihin mo kay Jia manganak na agad para magtino ka na." I joked.

"Grabe ka!" she pouted at pinalayas ko na para makapagtrabaho na kami.

Nang makaalis si Bea ay naging awkward yung atmosphere sa loob dahil na din siguro sa nangyari kanina. Feeling ko mababaliw na ako tuwing makikita ko si Mika pero hindi ko naman mahawakan, hindi ko rin mahagkan.

"How's your date yesterday?" pag usisa ko.

"It was a blast." she smiled widely.

Gusto ko sana siyang sapakin dahil nag eenjoy siya sa kabit niya e, kaso hindi naman niya alam na nambabae siya. Nagtanong siya kung pwede bang magpatugtog kaya sabi ko okay lang. Bigla naman akong napangiti, pinatugtog niya yung In case you didn't know ni Brett Young.

"Nakapag starcity pa kayo kahit late ka na umuwi ha."

"Konti lang naman nasakyan namin, we just celebrated our 5th year." sabi niya kaya napakunot ang noo ko. 5 years? Orly?

"Wow, that's nice. 5 yrs ago? My wife proposed to me and she sang that song for me." referring sa pinapatugtog niya.

"Hala I'm sorry."

"No don't be. It's still one of my favorite kahit ganito nangyari sa amin."

"You deserve someone better Queeny." seryoso niyang sabi.

"Nope, she's all that I need. You're all that I need my love." I smiled at her, gusto ko na din umiyak kaya I looked away at tinanggal ang glasses ko.

There I slowly felt hot water coming from my eyes. Damn, I can see her, she's so close yet so far.

Hindi ko alam kung anong nangyari, she pulled me up and I found myself hugging her tightly. I miss my wife so much. I miss her warmth, everything about her.

"Please don't cry Queeny. Kung ako siguro asawa mo hindi kita iiwan."

Natawa ako sa sinabi niya, eh ikaw naman talaga ang asawa ko, gunggong.

"Gusto ko nang suntukin ang asawa mo sa totoo lang sa sobrang inis."

"Try punching yourself, medyo may hawig kayo eh." I laughed lightly pero umiiyak pa din.

She rubbed the back of my head and hugged me tighter. Isiniksik ko na lamang ang ulo ko sa leeg niya not even thinking kung anong maaari niyang isipin. Hindi ko na din ininda kung mabasa man siya ng luha ko.

"I miss you my Mika. I miss you so much."

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon