Chapter 37

1.1K 36 44
                                    


M I K A

"So ano ng plano mo ngayon?" tanong ni Ara sa akin nang makaupo kami sa couch nila.

"Mag-ingat? Yun lang naman magagawa namin sa ngayon. Hindi ko alam na hahantong sa ganito." iiling iling kong sagot.

"Si Gale, wala ng chance magbago yun." natatawa niyang sagot. "But I was surprise how Chris wanted Chel so bad." saka naman sumeryoso ang mukha niya.

"I thought he was harmless. Ganun na ba talaga kabaliw ang mga tao ngayon?" inis kong sagot.

"Grabe, apat yung inaalagaan niyong bata tapos pinaghihiwalay pa din kayo? Hayop naman sa ganda ng mga kaibigan ko."


Napailing na lang ako at inilagay ang noo ko sa aking palad. Nakakastress yung ganito.


"Kamusta naman ang mga bata?" tanong niya.

"Ayun, naghire kami ng tig-isang bodyguards para sa mga bata. Ganun din sa pamilya namin ni Rad, mahirap na. Halang na kaluluwa nung dalawa. Meron din kami ni Rad at never dapat kami umalis ng hindi kasama yung isa pero bukas pa darating, naubusan na ng body guards yung agency." natatawa kong sabi.

"Maigi na din yan. Prevention is better than cure." nakangiti niyang sabi.

"Yah, isa pa I can't afford to lose any of them. Mababaliw ako at baka mapatay ko si Chris." seryoso kong sabi.


Ayoko naman magkasakitan kami pero ibang usapan na pag may nasaktan ni isa sa mga mahal ko. Papakainin ko sila ng alikabok kung pwede man kainin yun.


"Your wife is calling, napaka clingy." sabay irap niya kaya natawa na lang ako.

"She sent me here para kasi sa regalo ni baby Denaiah, hindi para makipagkwentuhan sayo." paliwanag ko pero muli niya lang akong inirapan, dukutin ko kaya mata nito?

"Whatever~"

Sinagot ko naman na ang phone ko. "Hello babe?" bungad ko sa kanya.

"Nasaan ka na?"

"Nandito pa ako kanila Ara, sunduin pa ba kita?"

"Hi Chel!" sabi ni Ara kaya nagloudspeaker na ako.

"Hi din nguso. Wag na babe, mauna ka na umuwi. Nag-off si manang, walang magluluto ng pagkain ng mga bata." sagot niya.

"Mga bata lang? Di ka kakain?"

"You're my dinner tonight babe." naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko, malamang namumula nanamaman ako. Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya sabay hagalpak ni Ara sa tabi ko.

"Napakaharot mo babe!" hiyang hiya kong tugon dahil narinig ni Ara yun.

"Hahaha! I could picture you as red as tomato right now babe! I love you! Ingat pauwi." di pa rin siya tapos sa pagtawa niya.

"I hate you babe. Ingat ka din." sagot ko at hinampas ang katabi kong di na makahinga sa kakatawa.

"Di mo sinabi may pabuffet ka pala mamaya, busugin mo si Chel ha."


Lalo pa akong namula kaya hinampas hampas ko na siya. Lalakas mang-asar kahit kailan!

Kinuha ko na din sa likod ng sasakyan ang mini bike na binili ko para kay baby Den saka nagpaalam sa kutong lupa na iyon.


Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon