R A C H E LSeeing Mika once again made me the happiest human being that time. God knows kung gaano ko kagustong yakapin siyang muli nang magtagpo ang aming mga mata pero napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko sukat akalain na buhay siya, I mean 2 years na halos mula nung mangyari yung aksidente.
Ghad, she's still the most adorable person para sa akin, gustong gusto ko muling hagkan ang labi niya pero hindi niya ako maalala, ang malala pa, kasama niya si Gale.
"Ano?!" Bulalas ng mga kaibigan ko. Sabay sabay talaga silang napasigaw sa sinabi ko.
"Itanong niyo pa kay Mael saka kay Rika. Mimi nga ng mimi yung bata eh, namimiss na ata." may himig ng lungkot kong sinabi dahil ako din mismo namimiss ko na ang asawa ko.
"P-paano?" nagugulumihanang tanong ni Jovs.
"Hindi ko din alam pero kasama niya si Gale. Ito pa pala, siya daw si Kylie."
"Pfftt!" hindi napigilan ni Ara ang matawa kaya natawa na din ang iba naming kaibigan, yeah I know it really sounds girly for my wife.
"Ayoko din, mas maganda pa new name niya kaysa sa akin." sambit ko at napatawa na lang ulit kami.
"I'm glad na buhay siya." nakangiting sabi ni Jovs.
"Wow, feeling ko nahihiya ka lang sa amin pangga. Feeling ko gusto mong magtatatalon dito pero nahihiya ka kasi mas magmumukhang ikaw yung asawa ano?" hirit ni Gretch at pinitik sa ilong si Jovs.
Tinignan ko naman ang calling card na binigay sa akin ni Mika.
Kylie Seyer
Wow. Really Gale? Gagawa ka na lang ng surname, kabaliktaran lang ng kanya. Nafacepalm ko na lang din talaga ang sarili ko sa kabobohang taglay ni Gale.
"Let's call for a celebration then, shall we? I mean, she's alive. Kahit pa hindi tayo naaalala ng gunggong na yun, atleast buhay siya diba?" suhestyon ni Ara.
"Edi dun tayo sa restau ni Jovs! Woohoo!" sigaw ni Ria.
Agad namang napailing si Jovs. Knowing the appetite of my friends, lugi nanaman siya for today.
*****
Dalawang linggo na din ang lumipas nang makita ko siyang muli, mas lalo ko siyang namiss simula nang magtagpong muli ang landas namin kaysa nung mga panahong ang buong akala ko ay wala na siya.
"Ma, pasok na po ako." paalam ni Mael saka humalik sa pisngi ko at nagtatatakbo na sa service niya.
"Mama." lumapit naman sa akin si Rika kaya kinandong ko siya.
"Yes princess? Ano nanaman gusto mo ha?" tanong ko at kiniliti siya.
"Me want Mimi."
"You miss Mimi na ba baby? Di ba pwedeng some other time? Mimi is very busy." malungkot kong tugon sa anak ko.
Hindi na siya sumagot pero bakas sa mukha nito ang kalungkutan. I lifted her chin up at humalik sa noo nito before telling her na I'll try to talk to Mimi.
Kinuha ko na ang phone ko at tinype na ang number ni Kylie, di ko talaga ma-imagine na ganun ang binigay sa kanyang name ni Gale. Nagdalawang isip ako kung tatawagan ko ba talaga o hindi, pero ayoko namang mabura ang ngiti sa mukha ng anak ko kaya I hit the call button.
It took her 5 rings before picking up the phone.
"Yes hello? Kylie Seyer speaking."
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]