R A C H E L"What?" kunot noo kong tanong.
"Ano daw?" tanong naman ni Den.
"Saan ka? Punta ka dito for you to see." sagot ni Jovs.
"Please don't play your fucking jokes on me Gonzaga. Kausap ko lang si Mika kanina and it would probably take an hour, without traffic, for her to get there." inis kong sabi sa kanya.
Wala naman kasi ako sa mood makipagbiruan. Masakit ang puso ko, masakit ang mata ko, lahat na masakit sa akin.
"I ain't joking. Sabi niya siya si Mika, hindi siya si Kaye."
Natigilan ako bigla sa sinasabi niya, like what the hell is going on.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" singhal ko sa kanya.
"Ano bang sabi ko? Andito si Mika diba?"
"Letse ang labo mo kausap. Wag mong papaalisin yan." utos ko sa kanya.
"Yes boss."
Hinatak ko si Den pabalik sa kotse ko at ako na ang nagdrive.
"Hoy Chel gusto ko pa makita lumaki yung anak ko!" sigaw niya dahil ang bilis nang takbo namin ngayon.
"Shh, magdasal ka na lang dyan." wika ko at nagconcentrate na sa pagmamaneho.
Nang makarating kami sa restau ni Jovs ay agad kaming pumunta ni Den sa office niya dahil naroon daw sila ni Mika.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bubuksan ko na ba yung pinto o ano. Pero sa huli naman ay binuksan ko pa din iyon dahil wala naman akong choice.
Yeah, she fucking looks like Mika. Lumapit ako sa kanya at nakita ang peklat sa may ulo niya. I know uncomfortable ang taong to sa harap ko ngayon.
"Anong nangyari dito?" tanong ko.
"Surgery." sagot niya at nginitian ako.
"Chel, wag mo takutin yan ha." natatawang sabi ni Jovs.
"Who are you?" seryoso kong tanong.
"Hindi ko alam. Sabi nang nag-alaga sa akin Mika daw huli kong binanggit bago ako mawalan ng malay kaya yun ang tawag nila sa akin. Bakit? May atraso ba ako sa inyo?" casual niyang sagot.
I looked at her one more time. Pinatayo ko pa siya, they do have the same height, tinignan ko siya ng maigi pero wala. Wala akong maramdaman na kung ano. Hindi, hindi siya si Mika.
"Gusto ko na muna magpahinga Jovs." sabi ko, feeling ko na-drain energy ko.
"Ano bang kailangan niyo sa akin at ayaw niyo pa ako pauwiin?" tanong nung Mika.
I showed her our wedding picture. Kinuha naman niya iyon at pinagmasdan maigi.
"Is this me?" tanong niya. No it's not you.
"Heto ba yung wedding ring natin?" she then showed us our ring na suot suot niya.
"Look kung sino ka man, hindi ikaw si Mika." inis kong sabi at nagwalkout na.
Nakakapikon! Hindi siya si Mika! Hindi!
"Chel!" sigaw ni Den pero hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang higitin niya ang braso ko. "Ano bang problema mo? Andyan na siya sa harap mo oh." pagpupumilit niya.
"Hindi nga siya si Mika!" at pinandilatan ko pa siya ng mata.
"My goodness Chel! Nasa harap mo na lahat ng ebidensya na siya si Mika."
BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fanfiction© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]