Chapter 40

902 35 23
                                    


R A C H E L

Papunta na kami ngayon sa sinabi nilang lugar. Well, we are all what we have. Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Mika dahil malamang natrauma sia sa nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan niya nung araw na yun, o yung nangyari sa kanya 2 years ago.


"Mahal." pagtawag ko sa atensyon niya.

"P-po?" Nanginginig niyang sagot kaya hinawakan ko ng mas maigi ang kamay niya at hinawakan ang isa niyang pisngi.

"We've been through a lot. We'll make this one too, okay? Dagat lang yan, kayang kaya mo yan. Mas takot akong mawala ka pero here we are, ready to take risk just to save our friend so you gotta toughen up." nakangiti kong sabi sa kanya at hinawakan naman niya ang kamay kong nasa pisngi niya.

Pumikit naman siya bago humalik sa kamay ko at tinignan ako ng taimtim bago ngumiti ng nakakaakit.

Is she trying to seduce me at a situation like this? My ghad.

"Are you seducing me?" nakataas kong kilay na tanong sa kanya at tumawa naman ang siraulo kong asawa.

"No way." she smirked again. "Because I don't have to." sabay kagat niya sa tenga ko kaya nahampas ko siya ng malakas. "Aray naman."

"Ang landi niyong dalawa dyan, hampasin ko kayo e." wika ni Den na katabi namin dito.

"Inggit ka lang." sabi ni Mika at binatukan siya kaya sinabunutan siya ni Den ng malala.

"Tama na yan Dencio." wika ko at pinaunan na si Mika sa may balikat ko at humalik sa buhok nito.

"I promise you, we'll spend the rest of our lives together, with our kids." wika niya.

"Yes, we'll do."

Nang makarating kami sa may pier ay hinanap namin ni Mika ang bangkang magdadala sa amin sa barko ni Chris. And like as planned kaming dalawa lang ang naghanap nun since malamang may mga tao si Chris na maghihintay sa amin dun.

When we got there ay agad kaming inescort papunta sa dapat naming puntahan. Si Mika naman ay nakapikit lang habang nangangatog at namumutla kaya naman ay subok ko siyang pinapakalma.

"Akyat." sabi ng lalaki sa amin nang makarating kami sa gilid ng barko.

"Mauna ka na mahal." sabi ko kay Mika pero umiling siya.

"Baka machansingan ka, mauna ka na. Kaya ko 'to." ngumiti naman siya at humalik ng mabilis sa labi ko. "This won't be the last."

I nodded at umakyat na nga kami. Agad naman kaming dinala sa isang room. We were still holding hands na agad namang tinanggal ni Gale at kumapit na kay Mika.

"Oh hon, I missed you." hahalik sana siya pero umiwas si Mika. She then forced herself on my wife.

"Nasaan si Jovs?" malamig na sabi ni Mika.

"Ilabas niyo na yan." sabi ni Chris.

His men went to the back at hawak hawak si Jovs, wala naman itong galos pero mukhang hindi nakakain ng ayos.

"Chel, si Gretch?" nakangiti niyang sabi.

"She's fine. Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"I-I'm fine." muntik naman siyang natumba kaya winaksi ni Mika si Gale at sinalo si Jovs.

"Got you buddy." nagngitian naman sila dalawa. Loveteam of the year talaga tong dalawang to e.

Chris walked near me at hinatak ako sa may braso, we still need to buy sometime, hindi pa pwede.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon