Last

1K 40 117
                                    


R A C H E L

Kanina pa ako naglalakad pabalik balik dito pero wala pa ding sensyales ni Mika. May search and rescue team na, nakita na ang ibang mga tauhan ni Chris na nakatalon mula sa barko still no Mika.

Naupo na lang ako sa bench dahil nanghihina na ang tuhod ko. Parang wala na akong maiyak.

"Chel, tubig?" alok ni Ara sa akin, umiling lang ako.

"Bakit ba kasi kailangan niya pang iligtas yun? Inuna pa iba kaysa sarili niya." naiinis kong himutok.

Tumabi naman siya sa akin at hinagod ang likod ko. Yumakap na lang ako sa kanya. Papatayin ko talaga si Mika at binibigyan niya ako ng sakit sa puso.

"Ma'am, masyado na pong madilim. Bukas na po namin ipagpapatuloy ang search and rescue." napatayo naman ako sa sinabi niya.

"Hindi pwede! Nandoon pa ang asawa ko! Ibalik niyo siya ngayon din!" pagpupumilit ko.

"Chel, Chel." pagpigil sa akin ni Ara. "Come on, let's go home. Babalik na lang tayo bukas."

"Hindi pwede Ara! Paano si Mika?!"

"Rachel, it's been a long day, tara na. Babalik tayo agad bukas na bukas din." sabi ni Den at hinawakan na ang kamay ko.

"Hindi tayo susuko sa paghahanap kay Mika okay? We got you."

I nodded at nagpatianod na lang sa paghatak ni Ara sa akin pabalik sa sasakyan. Jovs was already sleeping, hindi din ata nakakain at nakatulog ng maayos si Jovs dun.

Tumabi naman sa akin si Bea at hinilig ang ulo ko sa balikat niya. She's lightly patting my head while humming, at humalik sa ulo ko.

"Ate Ye would be okay. She's the toughest among us, you know that. She escaped death once, what makes you think she won't escape it again this time?" I looked at her kaya naman nginitian niya ako. "Hindi siya masamang damo, but I know mahaba buhay nun." natatawa niyang sambit.

"Thank you Bei." yumakap naman ako sa kanya.

"All of us owe ate Ye something, we'll do anything to repay her kindness."

I nodded at nagpahinga na lang sa balikat niya. Kahit pa nakatulog ako saglit ay ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Alas onse na din ng makauwi ako, si Mael ang nagbukas ng pintuan para sa akin at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

"Si Mimi po?" tanong niya nang kumawala siya sa yakap ko.

"Nak, nawawala si Mimi mo." nagsimula nanaman akong umiyak.

Tahimik lang siya, tinignan ako at bakas ang sakit sa kanyang mga mata.

"Ma naman, baka tinatago niyo lang si Mimi? Akala ko pagkatapos nito okay na lahat? Na magiging masaya na tayo." nagsimula ng tumulo ang luha niya.

"Nak, sorry pero hinahanap namin si Mimi mo. Pagalitan mo pag-uwi kasi ang hilig unahin ang iba kaysa sa sarili niya." sagot ko.

"Ma naman e. Nakakainis si Mimi!" yumakap naman siyang muli sa akin kaya hinagod ko ang likod niya. He's never shy to show his feelings.

"I know anak, hayaan mo pag nakauwi na Mimi mo ikukulong ko na siya dito sa bahay." biro ko sa anak ko at ginulo ang buhok niya

"Ma pwede ko bang pilayan si Mimi para hindi niya na tayo iwan? Lagi na lang tayong pinag-aalala e." wika niya kaya natawa ako.

"Ako na bahala anak. Matulog ka na." humalik na ako sa noo niya.

Nagtungo naman ako sa kwarto namin at agad kong niyakap ang unan ni Mika.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon