❂ Chapter 1: Rift to Parallel World ❂
Third Person's POV
Sa gabing iyon na nababalutan ng marahas na pagkidlat at pagkulog sa ibabaw ng mga nasirang gusali ng mediyebal na siyudad, sa gitna makikita ang dalawang tao nakaharap sa isa't isa, nababalutan ng marahas na awra ang kanilang katawan.
Ang lalakeng nasa kaliwa ay may pulang awra, bumabalot sa kaniyang itim na baluti at matingkad na pulang tinik at sungay. Habang hinahanda sa kaniyang kamay ang pulang halberd.
Makikita naman sa kanan ang binatang nababalutan ng pasa at sugat sa katawan na makikita sa pagitan ng kaniyang nasirang baluti. Ngunit kalaunan namang humihilom dahil sa maharlikang awra na bumabalot sa kaniya. Tila umiihip rin ang hangin sa binata tinatangay ang pilak niyang buhok. Sa pagdilat ng binata alinsabay ang pagbabagong anyo niya, galit at poot ang nadarama ng kalaban. Nilakasan niya ng husto ang epektibo ng halberd sa kaniyang kamay at pinalaki ng tatlong beses sa orihinal nitong haba at lapad.
Akma niya itong itutusok sa kaniya kaya naman bumuwelo din ang binata para tapatan ang kaniyang atake gamit tungkod. Mabilis na pinalaki niya rin ito at pinalapad, hindi lang isang simpleng tungkod na naging polearm kundi nabago rin ito sa pagiging pilak na may disenyo ng bituwin.
KABANG!
Sa lakas ng pwersang pinakawalan nila isat isa, sumabog ang malakas na ihip ng hangin at pagkislap ng kidlat sa pagitan ng dalawang armas nila. Makikita ang matinding atensyon nila sa pasiklaban ng lakas, seryoso at kalmado lamang tinatapatan ng binata ang atake ng kalaban samantalang ang lalakeng nakaitim na baluti ay buong higpit at lakas niya itong pinipigilan. Unti-unting natutulak ang lalake paatras dahil sa kakaibang lakas ng binata hanggang sa ibuhos pa nito ang lakas sa kaniya dahilan kung bakit unti-unting nasisira ang armas na nilikha niya.
"Ruaaahh!" sigaw ng binatang may kulay pilak ang buhok hanggang sa mapatalsik niya ng malakas ang kalaban palayo sa kaniya.
Bumagsak ang katawan ng lalake sa gusali at gumuho ito ng husto. Hindi natapos ang pagtalsik niya sa maraming bahay hanggang sa marating niya ang pader ng siyudad. Tumilapon ang kaniyang katawan sa damo at nahirapang tumayo dahil sa tindi ng tinamo niyang pinsala. Makikita ang pagtulo ang dugo sa nasugat na noo at bibig niya na unti-unti namang gumagaling.
Ngunit, hindi pa siya hinayaan ng binata na makarekober at agad na sinuntok siya sa mukha gaya ng ginawa niya sa kaniya. Tumalsik ulit siya ng pagkalayo hanggang sa maabutan niya ang sarili sa himpapawid. Hindi ito hinayaan ng lalake kaya siya ay naglabas ng pakpak mula sa itim na marka niya at pinigilan ang pagtalsik niya sa ere.
Nakita niyang aatake muli ang binata kaya agad siyang humanda at pinakalat ng husto ang itim na marka sa kaniyang mukha. Sinalag niya ang suntok nito gamit ang dalawa niyang braso na nagdulot ng malakas na pag-ihip ng hangin at ikinagulat ngayon ng binata. Hinawakan niya ang binata sa paa at malakas na inihagis pababa sa lupa.
Agad na pinigilan naman nito ang pagtalsik sa lupa. Lumapag siya ng mabuti at agad na umiwas sa paparating na atake ng kalaban. Nawasak ang lupa na kaniyang tinamaan gamit ang halberd.
Patuloy niya siyang tinusok-tusok ng kaniyang halberd at walang kahirap-hirap naman ng binata na ilagan ang mga iyon.
Hanggang sa nagawa nitong kontrahin ng binata at makadali ng paghampas sa kaniya. Pinatalsik siya ng malayo ramdam ang bigat sa likod ng atakeng iyon.
Di pa nagpaawat ang lalake at muli niyang pinatigil ang pagtalsik niya sa ere. Nilabas na niya ang buo niyang kapangyarihan para sa iisang atake doon sa kaniyang halberd na hinulma niya sa pagiging trident. Mas marahas at mas makapangyarihan pa ito kaysa sa nauna kaya malakas niya itong binato sa binatang may pilak ang buhok ngunit walang takot naman itong hinarap ng koponan.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...