❂ Chapter 41: Raid to Lorgmor's Dungeon ❂
Huminto saglit si Mario at uminom ng healing potion. Ang sugat niya ay unti-unting naghilom pero ramdam pa rin ang sakit at pagkainis na masira ang kanyang plano. Ilang sandali ay narinig niya ang mahinang boses na galing sa tauhan niyang si Has kaya pinagana niya ng lubusan ang hikaw para lubos niya itong marinig.
"Ginoong Mario! Nagkaroon po tayo ng malaking problema, hindi ko na matawagan si Ginoong Calren."
"Hah?!... Bakit anong nangyari sa kaniya?"
"Hindi ko po alam dahil yung daan papunta doon ay tuluyan ng nasira kaya hindi na po namin siya napuntahan! At isa pa po, yung mga mersenaryo galing sa Red Hunter ay nagpanggap lamang sa atin at sila'y galing sa Shadow Killer," nag-aalalang bahagi pa niya na ikinainis naman ni Mario.
"Kasalukuyan na po namin silang tinutulungan at pinauwi ang mga sugatang kasama niya. Pasalamat kami na nagawa namin siyang maabutan," dugtong niya.
"Ano na pala na nangyari kanila Landor?"
"Hindi ko rin po siya matawagan, kahit si Ginoong Gin din," tugon niya na mas lalo pa niyang ikinainis.
'Isa lamang ibig sa sabihin neto na galing din siya sa mga pesteng iyon.... Niloko niyo ako! 'Di ko talaga kayo mapapatawad!... Irghhh!' sa isipan niya at napadaing din sa sakit.
"Ginoong Mario! Ayos lang po ba kayo? Ano na pong nangyari sa inyo diyan?"
"Puntahan mo na ako dito sa Old Wateworks, ngayon na. Kailangan ko na ng tulong niyo."
"O-opo! Pupunta kami diyan kaagad."
'Tchh! Di ako papayag na makuha nila ang Ancient Artifact! Sa akin lang iyon at wala ng iba!'
"Mario! Kung naririnig mo ako, itigil mo na ang kahibangan mong ito! Sumuko ka na at harapin ang kahihinatnan mo!"
'Hah! Di kailanman!' sa isipan ni Mario at siya'y nagputuloy na sa pagtakas.
Habang si Mario ay naroon sa mataas na palapag kung saan ang old site na tinitirhan ng mga poor people, si Rokas ay nasa ibabaw naman niyon. Inihulog ni Mario ang mga malalaking bariles na magkakapatong sa harap niya at naiwasan naman iyon ni Rokas. Patuloy siyang tumakbo at nakipa paghabulan sa kanya, hanggang sa makarating sa masikip at mataong iskinita na mga pinagtagpi-tagping kahoy sa magkabilang gilid. Nagkagulo-gulo ang mga bagay na nakaharang sa bawat nadaanan ni Mario pati ang mga nabubungo niyang mga tao, na nagsanhi ng pagkagalit ng mga naapektuhan ng kanyang pagkaligalig.
-"Hoy! tinangan mo nga ang dinadaanan mo!"
-"Hiyah!.. Ang mga pinamili ko!"
-"Habulin niyo ang lalakeng iyon!"Isa-isang daing ng mga taong kaniyang nabubulabog dahilan din ng kaniyang pagkainis sa isipan niya, 'Kaasar! Bakit ba ako napadpad sa lugar na ito!?'
Nakita ni Rokas na nagkanda-takbuhan ang mga tao roon kaya hinabol niya ulit siya ng buo niyang makakaya. Sunod namang siyang nakarinig ng boses ni Nok sa hikaw niya at kanya itong sinagot.
"Rokas, nagawa na naming talunin ang mga kasabwat niya. Sunod na kaming pupunta diyan para tulungan ka.
"Salamat!... Alam niyo ba kung saan?"
"Oo. Kalahati sa grupo namin ang kasalukuyang pupunta para makipagkita sa grupo ng aming Guildmaster. Sila na ring bahala ang tutulong sa iba mo pang kasamahan at kay Sirika."
"Sige salamat!... Mukhang balak din ni Mario na makipagkita din sa mga kasamhan niya sa labas, mga bihasa din tulad niyo kaya mag-iingat din kayo sa kanila."
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...