Chapter 5

1.4K 96 2
                                    

Chapter 5: Hired Mercenaries 

Nakita nila Jharel, Rika at Alira ang pagdating ng mga mersenaryo na mabilis na tumatakbo papunta sa bahay at sila ay may mga dalang espada, palakol at pana't palaso.

"Jharel, Rika gamitin niyo ang pinto sa likod ng bahay na ito. Bilisan niyo at humingi kayo nang tulong sa iba. Bilis!" bulong at may pangamba sa tono niya nang ibigay niya ang susi sa nasabing pinto.

"Papaano po kayo?" alalang tanong ni Rika.

"Iwan niyo na kami! Sige na't umalis na kayo!"

Sinira ng mga kalaban ang pinto at sunod na nagsipasok sa loob ng bahay. Hinalughog ang bawat sulok at gamit sa buong bahay, pinagtitingin ang bawat halaman, mga sangkap na nakalagay sa mga basket at bariles, pati rin sa mga cabinet na mahahanap nila sa lugar na iyon. Hinarap ngayon ni Alira silang lahat kaya naman nagsitutok sa kanya ang kanilang mga armas at puwersahang hinila siya papunta sa pinuno nila. Nakita niya ang babaeng assisstant niya na hinostage din ng mga lalakeng nanira ng mga gamit nila.

"Anong kailangan niyo? At bakit kayo nanggugulo sa bahay na ito?" Matapang niyang tanong sa kanila.

"Nasaan ang sagradong yaman, ang Buto ng Argenta? Ibigay niyo na sa amin kung ayaw niyong masktan!" Pananakot ng leader.

"'Di namin alam ang tinutukoy mo kaya pakawalan mo na siya!..." Ani ni Alira, Kaya naman tinutukan siya ng espada sa leeg ng isang kalabang humahawak sa kanya.

"Boss, ito po ba iyon?" Sabi ng isang kasamahan habang pinapakita ang sako ng maraming buto.

"Hindi 'yan! Tanging iisa-lang ang buto na iyon at 'di iyun makikita ng ganun-ganun na lang!"

'Bilisan niyo Rika, Jharel! Mag-iingat kayo!' hiling ni Alira sa kanyang isipan nang makita niya sila sa bintana.

"Tskk! Mga walang silbi!" inis na bulong nito sa sarili.

"Boss may mga batang tumatakbo doon sa likod! Hahabulin ba namin sila?" Bigay alam ng isa pa.

"Habulin niyo at huwag silang patakasin."

"Maaawa kayo! Huwag niyo silang saktan!" Makaawa ni Alira pero hindi niya sila mapigilan dahil meron nakaambang talim sa kanyang leeg. Walang ni isa ang nakinig sa kanya at tinulak na siya papunta sa sulok para itipon sila sa iisang lugar.

Sinenyasan ng leader na sumunod ang iba sa kanya at umalis na sila sa bahay na iyon. Naiwan ang dalawa para bantayan ang mga hostage at sinimulan na silang bugbugin. Makikita ngayon sila Jharel at Rika na desperadong tumatakbo sa gubat na iyon. Hawak-hawak ni Jharel ang kamay ni Rika sa oras na iyon.

———

Kainis! Kainis! Bakit pa nangyari ito sa amin?!... Pinagkatiwalaan kami ni Aling Alira na maghingi ng tulong sa iba kaya hindi ako makapapayag na mahuli nila kami at masayang ang sakripisyo nila sa amin!

Itinuon ko lang ang sarili ko pagtakbo dala ng aking takot. Sa pagmamadali ko, hindi ko kaagad namalayan na nahirapan na pala si Rika sa pagtakbo, hanggang sa nadapa siya sa lugar na maraming ugat dahilan para ako'y huminto sa pagtakbo.

"Rika! Ayos ka lang?" alalang tanong ko nang lapitan ko siya kaagad.

Hindi siya nakatugon sa tanong ko pero alam kong hindi maayos ang lagay niya ngayon. Bakit pa nga ba ako nagtanong? Hayy!... Inalalayan ko na siyang tumayo at tumakbo kasama ko. Ngunit, hindi na siya ganun kabilis na ikinapagtataka ko naman.

"Habulin niyo sila!"
—"Huwag silang hayaan na makatakas!
Rinig kong sigaw ng mga lalake na sa tingin ko ay papalapit na sa amin, kaya naman nadako ang tingin ko doon, at iyon nga, naroon sila!

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon