Chapter 14

862 58 2
                                    

Chapter 14: Confrontation 

Lubos na napaisip si Jharel kung ano ang magagawa niya ngayon, simula nang magkaroon ng putok ng baril at pag-ungol ng werewolf sa gabing iyon, hindi na alam ni Jharel ang dapat gawin kung idamay pa niya ang sarili sa kapahamakan o hayaan na lang nararamdaman niyang alalahanin.

Tumigin muli siya sa sisidlan ng buto at tiningnan maigi ang pagliliwanag niyon. Ilang sandali ay bigla na na lang sumagip sa kaniyang isipan ang di pangkaraniwang miraglo nangyari sa kaniya. Simula nang magkaroon ng paglindol sa gubat habang hinahabol sila ng mga kalaban hanggang sa bumuti ang kanyang lagay at paghilom ng kaniyang sugat dahil sa butong iyon.

"Oo, mukhang ito na nga!"

"Jharel? Ayos ka lang ba?" Curious na tanong ni Rika at pag-aalala sa kaniya nang lapitan niya si Jharel.

"Pasensya na Rika, kailangan kong gawin ito... Pupuntahan ko lang si Gin." Aniya at saka na siya nagmadaling tumakbo paalis sa kanila.

"Huh? Sandali... Jharel!" pahabol na sigaw ni Rika.

"Loko! Saan naman iyon pupunta?" singhal ni Kelen sa kanila.

"Kelen, pakibantanyan mo muna sila. Ako nang bahala kay Jharel," pakiusap niya kay Kelen, kaya naiwan silang gulat at nagtataka sa kinilos ng dalawang iyon sa harapan nila.

"Putek na iyan!... Hayss!" singhal ulit niya at nadako ang tingin kay Lyan na nasa tabi niya. "Sabihin mo nga, gaano ba sila ka-engot para kumilos sa sarili na walang pasabi-sabi hahh?"

"I don't know... Maybe, it's a call of nature kaya sila nagkakaganyan."

Nagtaka naman si Kelen sa sinabi niya at nanatili na lang problemado sa oras na iyon.

*****

Nagsimula na silang mangimbal at mangatog sa kinatatayuan nila, lalung lalo na si Sarrul na malapit lang sa kaniya.

Napaatras sa sandaling lumingon sa kaniya ang halimaw na anyo ni Ulfur. "Tchh!... Huwag mo akong takutin!... Arrhhh!!"

Bang! Bang! Bang!... Click! Click! Click!

Sa lahat ng tira niya,nakapagbigay naman ito ng matinding pinsala sa halimaw na anyo ni Ulfur pero hindi ito sapat para paluhurin o pabagsakin siya. Unti-unti lang lumalabas ang bala sa sugat niya kasabay ng paghilom niyon, kaya naman mas lalong lang nangamba si Sarrul at tuluyan ng natakot ng lubusan.

Gruarhhh!

"Hihh! Tulong!... Aghhh!" saklolo niya at napagapang palayo sa halimaw na nasa harapan niya.

Sasakmalin na sana siya nang may pumigil sa halimaw gamit ang dalawang crossbow. Isa sa mga tauhan ni Sarrul na nasa lahi ng Ludas ang lakas loob na labanan iyon. Ngising naitulak niya ng malakas ang halimaw ngunit napalitan ito ng kaba nang tumitig ito ng nakamamatay sa kaniya.

Nanggagalit na sumugod ito sa kaniya at sinunggaban siya ng malakas nitong puwersa para siya'y pabagsakin sa lupa. Nagsisigaw rin sa takot ang lalake habang siya'y nilurayluray ng matutulis nitong kuko.

Nabalot na ng pangamba ang mga tauhan, ganun din ang dalawang guwardia. Hindi na nakatiis si Sarrul na manatili pa roon kaya siya'y nagmadaling tumakas. Nakita naman ni Gin ang kaniyang pag-alis at nakaramdam ng inis dahil sa gusto niyang habulin ito pero madadali naman ang mga kasamahan niya kung hindi niya pipigilan si Ulfur.

Kikilos na sana siya nang may dumaan na kalaban sa gilid niya. Isang Argono naman ang naglakas loob na hamunin ang halimaw. Back up din siya ng isang caster at nagpakawala ito ng malakas na spell para pigilan siya.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon