Chapter 2

3.7K 135 46
                                    

Chapter 2: To adapt and to believe ❂ 

Makikita ngayon si Jharel na napapalibutan ng mga patay na punong kahoy. Naglalakad sa gitna niyon ng walang kaalam-alam. Saglit siyang huminto sa kinatatayuan niya at tumingin sa itaas. Nakita niya ang malaking buwan na sumisinag sa kaibabawan ng gubat na tanging nagsisilbing liwanag sa madilim na lugar na iyon. 

"Anong lugar ba 'to?" aniya at nilibot-libot ang paningin sa kaniyang paligid. 

"Jharel?" nag-e-echo na boses sa kaniyang pandinig. 

'Teka, boses 'yon ni Inay!' sa isipan niya. "Nay! Nasaan ka?" sigaw pa ng binata. 

Sunod na naman niyang narinig ang boses ng kaniyang Ina na tumatawag sa kaniya, nagtataka at nangangamba ang boses ng kaniyang Ina, kaya naisipan niyang sundan ang boses para alamin kung nasaan ngayon naroroon ang kaniyang Ina. 

Patuloy niyang tinatahak ang daanan sa gitna ng gubat, dinig niya ang nag-aalalang boses ng kanyang Ina pero hindi niya malaman kung saan ito nanggagaling dahil sa madilim na gubat na pumapalibot sa kaniya-- 

Nahinto na lang siya sa pagtakbo ng biglang may lumiyab na apoy sa harapan niya na dapat sana'y dadaanan niya. Doon niya nakita ang Nayon na nasusunog, dinig din niya ang mga sigaw at saklolo ng mga tao, tulad noong ala-alang bigla na lang pumasok sa isipan niya, noong nasa gubat siya kasama ang apat na kasamahan sa van. 

Umaalingaw-ngaw sa kaniyang pandinig ang mga boses, na nagdudulot sa kaniya ng pananakit ng ulo at damdamin hanggang sa mapaluhod siya sa sobrang sakit. Pero pagkalipas, ay nawala rin ito at agad na naisipang tumayo sa kaniyang pagkakaluhod ng marinig niya ang boses ng kaniyang Ina. 

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang babaeng nakaputing bestida na tumatakbong papalayo sa lugar na iyon. Hindi niya nakita ang mukha nito pero alam at nararamdaman niyang siya iyon kaya agad niya itong hinabol. 

Pilit niyang tinakbo ang tinatahak nitong daan hanggang sa maramdaman ni Jharel ang panginginig ng lupa at magsimula itong mabiyak at masira, at mabilis na narating ang kinatatayuan ng binata. Hanggang sa siya'y nalaglag sa kailaliman ng malalim na bangin-- 

~~~~~***~~~~~ 

Bigla siyang nagising sa kama na hingal na hingal at tagaktak ang pawis sa kaniyang noo. 

'Bakit ko na naman ba 'yon napanaginipan?... Teka, anong lugar 'to? Pa'no ako napadpad dito?' takang tanong niya habang inililibot ang paningin sa piligid. Nakita niya ang bintana sa gilid ng higaan kaya dumungaw siya rito upang alamin kung ano ang nasa labas ng bahay. 

Nagulat si Jharel sa nakita niya. Ang mga kasuotan nila'y hindi makikita sa modernong panahon at ang mga tao'y nagsisigawa ng mga lumang hanapbuhay. 'Bakit ganito? Nasa'n ba ako?' nalilito niyang tanong sa isipan. 

"Oh, gising ka na pala," boses ng lalaking narinig niya dahilan para lingunin niya ito. Nakita niya ang lalaking nakatayo sa may pintuan at may dala-dalang tray na may nakapatong na mangkok sa ibabaw niyon. 

"Sino po kayo? Ano pong nangyari?" 

"Huwag ka munang tumayo, magpahinga ka muna at mahiga sa iyong kama," pero hindi ito pinansin ni Jharel ng maalala niya ang sinabi sa kanila ng Manong driver.

Nabalot ng pagkagulat ang kaniyang mukha at agad na naisipang tumakbo. Nagkatumba-tumba siya sa pagmamadali at nabungo niya ang lalaki sa harapan niya habang tumatakbo palabas ng bahay na iyon. 

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon