First Digital Illustration from my own design...
Isama ko na rin ang Profile nila sa kuwento...Main Characters
Jharel
Gender: Male
Age: 18
Height: 176 cm
Weight: 58 kg
Skin Tone: Fair
Hair Color: Black
Eyes Color: GreenHobby:
-Writing a Journal
-Jogging/Stroll through the park
-Playing Computer Games
-Watching AnimePersonality:
Si Jharel ay simpleng binata na inaakala niyang siya. Mabait, palakaibigan, magalang at tapat sa mga nakatatanda sa kanya. Mahilig din siyang mag-isip at kausapin ang sarili kung paano i-handle ang sitwasyon. Tahimik din siya at humble, minsan ay nadadala ng mga suliranin at problema, pero more on positive thinker din siya.Background Story:
Siya ay lumaki sa piling ng kaniyang ina at hiwalay sa kanyang ama. Siya ay nasa pangangalaga ni Jomel na tumatayong ama ni Jharel.Siya at ang kaniyang ina ay pinatira sa tahanan ni Jomel doon sa probinsya ng Uetikas. Doon siya lumaki hanggang sa pagtatapos niya ng High School. 2nd year siya nang magsimula siyang sumali sa larangan ng pagtakbo. At doon niya nakilala sila Carl, Adrian at ang mga trainer niya na walang humpay na nagsuporta sa kanya. Napagwagian niya ang unang patimpalak sa Track n Field at isa iyon sa pinaka-memorable na natupad sa buhay niya.
Subalit, meron din siyang mapait na karanasan noong noong bata pa siya, ang maaksidente sa gitna ng kalye habang nagbibiyahe sila. Sapagkat si Jharel ay nagkaroon ng di kilalang sakit na pumapatay sa kanya ng mabagal. Sa di maipaliwanag na sitwasyon, siya lamang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon at ang kaniyang ina ay nawala at hindi natagpuan. Dahil doon, nawalay siya sa kanyang ina at nawalan ng ganang makisalamuha sa iba. Pero di niya hinayaan na matapos doon ang kanyang storya, nagkaroon siya ng pananaw na siya mismo ang magtataguyod sa kaniyang sarili para pumasok sa paaralan, gumawa ng gawaing bahay, at mag-aral ng mabuti. Hanggang sa dumating nga ang araw na may pagkakataon na siyang mahanap ang kaniyang ina sa pagkapadpad niya at ng mga kasamahan niya sa ibang mundo.
Lyan
Age: 16
Height: 170 cm
Weight: 49 kg
Skin Tone: Light Fair
Hair Color: Black
Eyes Color: RedHobby:
-Reading books
-Watching series/movies
-Saving money
-Buying devices and booksPersonality:
Si Lyan ay mahusay sa pagbarter ng mga salita, madaldal at mahilig magbigay ng saloobin at opinyon. Matalino, Self-Confident, mapagbiro at palaban sa mga bagay na kaya niyang tungalian pero hindi sa mga bagay na nadelikado at nakaangat sa kanya. Madalas napapaaway kay Rika dahil sa nakakairita niyang ugali at pang-aasar. Nais niya ring maging mahusay na detective at maabutan ang na-achieve ng kaniyang lolo.Background Story:
Siya ay nasa mayamang pamilya at hiwalay din sa kaniyang ama at ina. Honorable at nangunguna sa school, pala-kaibigan at self-conscious. Subalit kinaayawan siya ng kaniyang kamag-aral dahil sa pagkainggit. Nakaranas din ng pang-aapi at napa-away sa school laban sa mga kamag-aral na nangbubully sa kaniya.Simula ng makatagpo siya ng taong para sa kanya, nagkaroon siya ng pag-asa na makaalis sa mapang-aping buhay niya sa paaralan. Si Liya na batch-mate niya, pareho sila ng hilig at gusto. Lagi silang nagsasama tuwing recess at pag-uwi sa school. Mga date at travel trip na naranasan nila noon, nahubog ang kanilang samahan at pagkakaunawaan, hanggang sa mapunta sa pag-iibigan. Kahit na sila ay paghihiwalayin ng tadhana dahil sa family problem ni Liya ay di sila nagpahadlang para limutin ang pasasama nilang dalawa.
Makalipas ang isang taon simula ng sila ay nagkahiwalay, ay nakatanggap siya ng balita mula sa kamag-anak ni Liya sa siyudad. Nalaman niyang nabiktima sila ng Rift na nababalita sa mga tv at radyo. Agad siyang tumugon para humingi ng tulong sa departamento ng pulisya at sa mga investigador. Subalit, di siya pinaunlakan ng pansin para lutasin ang kanyang problema. Kaya naman naisipan niyang puntahan ang kanyang lolo na dating mahusay na inbestigador na lumutas ng maraming kaso. Ngunit, siya'y nakasama sa paglalakbay nila sa ibang mundo.
Rika
Age: 16
Height: 172 cm
Weight: 43 kg
Skin Tone: Fair
Hair Color: Blondie
Eyes Color: Sky BlueHobby:
-Tailoring
-Playing/bonding with friends or fellow orphans
-Singing
-CookingPersonality:
Si Rika ay merong bright personality, masigla, masayahin at matulungin sa nangangailangan.Background Story:
Lumaki siya sa orphanage at pangngatlo sa pinakamatanda doon. Kinupkop siya ni Aira noong sanggol pa lamang siya at nagdala sa kaniya sa orphanage, tinuturing niya siya bilang matandang kapatid o ate. Nagkaroon siya ng inspirasyon na maging self reliable at adult woman tulad ni Aira upang matulungan rin niya ang mga batang orphans sa pag-aaral.Pangalawang siya sa pinakamatanda sa mga batang miyembro ng orpanage, at tumatayong ate sa lahat ng mga nakakabata sa kanya. Mahusay din siyang magtahi, magluto at kumanta. Dati rin ay gustong niyang sumali sa sports na archery, tuwing manonood siya sa TV ng mga paligsahan. Nagpapraktis din minsan kasama ang mga kaibigan niya at tuwing katapusan ng taon, binibisita sila ng ate Aira na siyang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon.
Subalit nagkaroon ng masamang balita tungkol kay Aira na naging dahilan ng matagal na pagbisita niya sa kanila. Nang nalaman niya ang totoong nangyari, siya ay naglakbay na mag-isa para puntahan ang Uetikas Jail kung saan nakulong ang kaniyang kapatid.
~
Ito na rin ang kadalasan na appearance nila sa mga susunod na kabanata.
Iyun lamang po at maraming salamat sa inyong pagbabasa at sa pagsubaybay sa nobelang ito.
Character design sheet created in June 1, 2022
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...