❂ Chapter 18: Deepen ❂
Nabigla kaming lahat sa sinabi niyang iyon sa amin. Agad akong nakabawi nang magsisisayaw itong si Lyan sa harapan na parang baliw. Natawa na lang ako sa kaniya ganun din si Rika at Kuya Gin. Hindi ko rin akalain na mas masiya pa siya kaysa sa amin.
Oo, pinapangarap ko rin na magkaroon ng superpowers nung bata pa ako, pero 'di ko akalain na totoo nga na meron ako—este kami. Naguguluhan pa rin ako kung anong dahilan ng pagkakaroon namin ng dugo sa mga lahi nila at—sandali, tama kaya ang hinala ko nakuha ko ito sa aking ina?... Kung gayon, galing din siya rito! At maaring ngang—
"Ikaw Lyan, mayroon kang dugo ng Saredas dahil malakas ang antas ng iyong Kah o mahika, pero ang pinagtataka ko sa iyo kung bakit kaunti lang enerhiyang nangagaling sa iyo," wika ni Gin na nagbigay taka naman kay Lyan.
"Ikaw Rika ay mula naman sa sinaunang Ludas sapagkat naramdaman ko ang malakas na ningas ng Seh-En sa puso mo at hindi lang iyon, malakas din ang antas ng iyong Gen kumpara sa akin," bahagi pa niya na nagbigay aliw kay Rika at mangha sa aming dalawa.
"At ikaw naman Jharel..." sandaling tigil ni Kuya Gin dahilan para hintayin ito na may pananabik pero...
"Hindi ko malaman kung anong lahi ang pinagmulan mo," aniya na nagbigay taka sa akin, pati rin pala sila Lyan at Rika.
"Ano pong problema Kuya Gin?" takang tanong naman ni Rika.
"Masyadong kakaiba ang naramdaman ko sa kaniya. Hindi rin iyon natatagpuan sa karaniwang Ludas o Saredas, dahil ang Kenra-il mo Jharel o 'yung sentro ng enerhiya ng buhay mo ay tila napaka-puro at napakabigat... Subalit, hindi rin iyon masyadong aktibo gaya ng apoy na nagniningas tulad nang sa kanila. Parang isang maliit na bituwin na nagliliwanag ng matagal nang makita ko iyon sa'yo." paliwanag niya sa amin dahilan para mapaisip ako ng malalim.
Ano kaya ang ibig sabihin niyon?
"Baka ikaw Jharel 'yung chosen one na napapanood natin sa movie!... Haha! Ibang klase ka talaga! Kaya idol kita ehh!" papuri pa niya sa akin na nagpangiti na lang sa akin nang pilit... Chosen one?
Naisipan kong kunin ang buto sa sisidlan ko at pinag-isipan ang posibleng mangyari sa akin... Baka ako na nga... Hayss! Hindi naman sa ayaw kong magyari sa akin iyon, iniisip ko lang na hindi ako magiging handa sa bagay na iyon at baka makalala lang ako sa mundong 'to. Lalu na't hindi pa ako ganun kalakas tulad ni Kuya Gin... Ewan ko!... Basta't matagpuan ko lang si inay sa mundong 'to at matapos ang misyon na ito, ayos na sa akin 'yon.
"Ngayon na nalaman niyo na ang mga lahi ninyo, gusto ko ring malaman kung tugma nga ang nakita at naramdaman ko sa ibubunga ng pagsasanay ninyong tatlo. Sa paraan ng pagsasanay ninyo, ibabahagi ko ngayon sa inyo ang libro na ito," aniya at pinakita sa amin ang libro na iyon. Medyo sira na rin ang cover at kupas ang letra ng titulo na iyon.
"Ano iyan?... Ancient Arts of Nature?" mabagal na bigkas ni Lyan.
"Oo, iyan ang magiging basehan natin sa una ninyong pagsasanay. Nakasaad diyan ang mga paraan sa paggamit ng mga sining na iyon at isa rin itong mabisang paraan para mahasa pa ang inyong likas na talento," bigay alam sa amin ni Gin na ikinamangha namin. Sinimulan na ni Lyan buksan ang mga pahina at nakita namin ang samu't saring impormasyon ukol sa sining na iyon.
"Ang unang gagawin natin ay ang Life Presence... Ang sining na iyon ay paraan para malaman ang elemento na nakatago sa loob nang may buhay, kung ito ba ay karaniwan o hindi karaniwang bagay. Ito rin ang ginamit ko para malaman ang tunay ninyong pagkakakilanlan at kayo nga ay isa sa amin at sa mundong ito..." Sunod na siyang tumayo at pinasunod kami papunta sa malawak kapatagan.
"Isa rin itong mabisang paraan para mahasa ang paggamit ng inyong mga talento... Tingnan niyo muna ako ng mabuti," aniya sa amin at saka na niya pinikit ang mga mata, huminga ng malalim at tinutok ang mga kamay sa ibaba ng kaniyang tiyan, tulad nga ng makikita mong pose sa pag-e-aerobics.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasíaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...