Chapter 30

625 46 1
                                    

Chapter 30: Improvement 

Hindi rin malaman ng tatlo kung kailan ulit sila susugod. Hindi rin makakurap ang bawat-isa dahil segundo lamang ang palugit ng pagsugod ng dalawa. Umihip ngayon ang hangin sa kanilang direksyon at ang dahon na tangay ng hangin ay dumaan sa pagitan nila.

Pagbagsak ng tuyong dahon sa lupa ay doon na nagsimula ang pagsugod ni Jharel at liksing nilukso ang kinatatayuan ni Edward.

"Tanggapin mo ito, Jharel!... Double Light Crescent Slash!"

Nagulat saglit si Jharel sa dalawang magkasabay na range attack pero hindi siya nagpatinag at buong liksing iniwasan ang dalawang atake sa paglundag niya at pagka-lapag ay saka ulit siya sumugod ng buong bagsik. Sasabayan pa sana ni Edward si Jharel ng kaniyang paghiwa sa harapan niya, pero natagpuan niya na isa lamang mirage ang kaniyang nahiwa at nakitang napadaan siya sa gilid niya na may streaking light.

"Triple Sonic Slash!"

Pagdaan sa kanya ni Jharel ay sumabay ang tatlong beses niyang paghiwa sa iba't ibang parte ng katawan ni Edward, dahilan para mapaluhod niya ito sa lupa.
Laking tuwa ng mga kasamahan niya ang pagkapanalo niya sa isang matindi at makapagili hininga niyang laban. Agad-agad na nagsilapit ang tatlo kay Jharel na may kasabikan.

"Nagawa mo!" masayang sambit niya na may pagyakap sa kaniya. Ikinatuwa rin ito ni Jharel at masayang nayakap siya sa sandaling iyon.

"Ang galing mo Jharel! Hahaha... Ibang klase ka talaga!"

"Lakas mo Idol!" 

"Salamat guys!.. Si Edward!" Pasalamat at alalang wika niya nang maalala niya si Edward at agad na tinulungan na makatayo sa pagkakaluhod.

"Binabati kita Jharel," galak na papuri ni Edward sa kaniya na ikinahinto saglit ni Jharel.

"Salamat po ng marami Sir Edward!... 'Di ko magagawa po ito kung wala po ang tulong mo," pasasalamat niya at sunod na sinenyasan ang mga kasamahan na dalhin siya pabalik sa kampo upang gamutin siya.

Dahil doon, nagawa na rin ni Jharel na ipakita ang kanyang husay kay Edward at galak na pinagmasdan ang langit dahil sa paggabay sa kaniya ngayon.

"Hindi na ako papayag na matatakot at matatalo pa ng mga kalabang gustong dumakip sa akin. Sisikapin ko na hihigitan ko pa sila, kahit sino pa sila, hinding-hindi ko sila uurungan!"

Pagkatapos niyon, kasalukuyan na nga silang nagpapahinga matapos suriin ni Edward ang pagbabago ni Jharel dulot ng kaniyang pagsasanay. Makikita sila na nakaupo troso doon sa harap ng bonfire at si Edward ay nababalutan ng benda sa katawan na napinsala ni Jharel, ganun din si Jharel at makikita na nakakober ang gray niyang jacket sa likod. Isa-isa silang may hawak ng mangkok na kanilang pagkain at kasalukuyan na nila itong naubos.

"Ikinagagalak kong makita ang naging pag-angat mo sa iyong pagsasanay Jharel, siguradong magagawa mo nang ilayo ang sarili mo sa mapapanganib na sitwasyon na kakaharapin ninyo. Bukas ng umaga ay susuriin ko naman ang ibinunga ng inyong pagsasanay." Wika niya kay Jharel at kanila Rika at Lyan.

"Ohh I'm very excited na! Nararamdaman ko na ang pananabik ng aking puso at pagwawala ng aking mana na makalaban si Sir Edward! Nararamdaman mo rin ba iyon Rika?"

"Oum. Pero nakakaba pa rin para sa akin na gagawin na natin iyon bukas."

"Natural lang naman tayong kabahan, pero sa oras na maiudyok mo ang sarili mo na gamitin ang iyong kakayahan, mawawala na rin iyan... H'wag rin kayong mag-aalala dahil iba-iba naman ang pamamaraan ng pagsuri ko sa inyong dalawa," aniya na ikinatuwa nilang lahat.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon