❂ Chapter 36: The Key to Lorgmor's Treasure ❂
Ang pangalan na kay Sirika na narinig niya kanila Binjor. Tumigil siya konti sa pagpupumiglas at napatingin si Binjor sa kaniya.
"Ano ba talaga ang plano ninyo Binjor?" nagtatakang wika ni Vald.
"Di talaga sa akin ang planong ito Vald, kay ginoong Rokas," sagot ni Binjor.
"Hindi ba sabi mo nanganganib na ang guild dahil kay Mario? Ano na ba talaga ang nangyari hah, bakit bigla na lang nangialam ang lalakeng iyon sa guild?" takang tanong niya muli.
"Pasensya na Vald kung marami kaming inililihim sa iyo. Pero 'di ko pa pwedeng sabihin sa iyo ang pangunahin naming layunin habang walang siyang binibigay na pahintulot na sabihin iyon sa iyo."
"Kung gayon, kakausapin ko siya ngayon din. Maipaliwanag niya sa akin kung anong nagyari noong wala ako at kung ano ang plano niya sa dungeon na iyon."
"Hoy-hoy! Hindi mo siya makakausap ng ganyan-ganyan lang. 'Di nga namin alam kung tatanggapin ka pa ng guildmaster ehh paano pa kaya kapag kakausapin mo pa siya," paalala ni Kelen.
"Sino na ba ang guildmaster hahh!?"
"Si Gaser-Gray."
"Siya?!... Bakit siya ang naging guildmaster?! Bakit siya ang pinili niyo?!" gulat niya na may pagtanggi.
"Hanggang ngayon pa rin may sama ka pa ng loob sa kaniya?" tanong ni Kelen sa kaniya.
"Di niyo ba na-aalala? Siya ang nagpakana ng pagtanggal ko sa guild! Sinisi niya ako sa pagkamatay ni Galius! 'Di ko malilimutan ang mga araw na iyon na halos ikabaliw ko na sa kakatanggi ng mga maling paratang niya!"
"Di kami ang pumili sa kaniya. Kami ni Kelen at si Arlaya ay tumangi sa pagkahalal sa kaniya subalit ang mga Senior natin ay matibay na naghalal sa kaniya, dulot ng kaniyang kahusayan. Ikinalulungkot namin ang pagkatanggal mo, alam namin iyon na mahirap ang pinagdadaanan mo noon. Sana paniwalaan mo kami Vald," taimtim na pakiusap ni Binjor.
"Tchh! 'Di ko kailangan ng awa mo. Edi sana pinagtanggol mo ako nun sa hayop na iyun."
"Pero pinili mo paring humiwalay sa guild, para lang matigil ang pagkabaha-bahagi natin." Sambit ni Binjor.
"Di ko naman ginusto iyon. Hayy... Wala rin naman akong magagawa kung iyon ang gusto niya. Gusto ko nga siyang sapakin sa mukha, kaso naunahan na ako ni sungit."
"Sungit? Si Arlaya ba ang tinutukoy mo? Hahaha... Nagulat nga kami ehh na bigla na lang niya siyang sinuntok. Napakalupit niya halos wala na ngang nakakalapit sa kaniyang mga lalake, lalo na kapag mainit ang ulo niya gaya mo," bahagi rin ni Kelen.
"Hahaha... Teka, ano na pala ang balita sa kaniya?"
Nang marinig nila iyon kay Vald ay napalitan na lamang ng pagkatamlay ang kanilang mukha at iniwas ang tingin kay Vald.
Sandaling bumuntong hininga muna si Binjor bago magsalita at nagsabi, "Lumiban na siya ng guild, tatlong araw ang nakakaraan matapos ang araw ng pag-halili kay Gaser bilang guildmaster."
Dahil doon ay nabalot ng pagkagulat ang mukha ni Vald at hindi na nakapagsalita pa.
"Bago siya umalis ay sinabi niya na mag-sasarili na muna siya para pagnilay-nilayan ang mga naganap sa atin noon... Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita mula sa kaniya," dagdag pa niya.
Pagkatapos niyon ay nabalot na ng katahimikan ang kanilang paligid habang nilalakad ang madilim at maruming canal. Tanging patak ng tubig mula sa itaas at kanilang yapak ang umaalingaw-ngaw sa lugar na iyon. Wala ring magawa si Vald kundi tanggapin ang katotohanan na iyon.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasíaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...