❂ Chapter 25: Guardians of Naerenar's Forest ❂
Nilapitan na ngayon nila Gin at Aster ang patay na babaeng usa. Sinimulan na rin ni Gin ang pagtangal ng maliit na sungay nito gamit ang kaniyang punyal.
"Hindi ko akalain na madali lang matanggal ang kaniyang sungay kaysa sa inaaaahan ko." Sa isipan ni Gin matapos niyang putulin ang sungay niyon.
"Tara na't puntahan na natin si Alira at—"
Natigil na lang ang pagsambit ni Aster nang bigla silang nakaramdam ng pagkulog sa langit kasabay ng unti-unting pagdilim ng kalangitan dahil sa makapal na ulap. Nakaramdam sila ngayon ng pangamba lalong lalo na si Gin na tila alam niya ang ikinasanhi niyon.
"Bilisan na natin. Kailangan na nating makaalis dito," sambit ni Gin sa kaniya at nagsimula na silang tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Naramdaman din nila Edward at Alira ang panganib na maidudulot niyon sa kanila, habang sila'y nakatunghay sa tapat ng bahay albularyo. Kita kay Edward ang pangangamba sa kaniyang mukha, dahilan ng kaniyang paghihinala kung bakit iyon nagawa ni Gin.
Sa kanilang baryo, tanging sila lang ang kasalukuyang nakakaalam sa bagay na iyon at sa kahihinatnan patungkol doon. Malaban kay Tandang Bam na siyang unang nakakaalam at nagbahagi sa kanilang dalawa.
"Aling Alira babalik ako kaagad hahanapin ko lang si itay," aniya at agad na sumang-ayon sa kaniya si Alira.
Pinakilos na rin ni Alira ang kaniyang mga kasamahan upang babalaan at iwasan ang anumang disgrasya kung sakaling lapitan sila ng lamang lupa nilalang. Nagsimula na rin si Edward na tumakbo para puntahan ang kaniyang ama na si Tandang Bam.
Habang tumatakbo sila Gin at Aster sa loob ng gubat, mas lalo nilang nararamdaman ang papalapit na panganib sa kanilang dalawa. Naririnig nila ang pagkabagsak ng mga puno, at ang mga ibon ay nabulabog rin at lumipad papalayo doon. Ang Inang Siringan ay naggalit at nagpatawag ng kapwa Siringan, Sorogon at maraming lamang lupa, upang paslangin ang pumatay sa mahiwagang usa.
Makikita sa kanya ang malaking sukat ng kanyang katawan at mala-dress nitong dahon na bumabalot sa kaniyang kayumangging balat, makikita rin ang matutulis nitong tenga, mahabang berdeng buhok at nanlilisik na puting mata sa kaniyang kabigha-bighaning mukha.
"Gin! Bakit nagkakaganito na ang lugar niyo rito?" nababahalang tanong niya na hindi kaagad ikinasagot ni Gin.
"Patawarin mo ako kung 'di ko sinabi sa inyo ang ito."
"Ang alin?... Sabihin mo sa akin," nag-alalang sambit ni Aster kay Gin na nag-aalala rin.
"Ang mga bantay ng kagubatang ito ay 'di titigil sa pagkagalit hangga't 'di nila tayo napapatay," paliwanag niya na ikinalaki ng mga mata ni Aster, pero agad naman siyang nakabawi at tinuon ang pansin sa tinatahak nilang daan.
"May plano ka ba para mapigilan natin sila?" tanong pa niya na ikinalungkot naman ni Gin.
"Wala, isa na itong kaparusahan at tayo ay dapat na malagot sa kabayarang ito para sila'y manahimik sa katiwasayan... Sa ngayon ay kailangan niyo nang makatakas dito at maipadala ito kay Alira nang sa ganun ay magawa niya na ang hinihiling ninyo," tugon niya at sandali muna silang huminto sa pagtakbo para ibigay sa kaniya ni Gin ang sungay ng usa. Tinaggap naman ni Aster ang sungay habang nagtataka.
"Pero papaano ka?" alalang tanong ni Aster sa kaniya na ikinangiti na lang niya ng palihim nang talikuran niya siya.
"Sumunod ka sa akin, ihahatid kita sa mas ligtas na lugar," aniya at nagpatuloy na sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...