❂ Chapter 40: Skirmish ❂
Sumabog ng napakalakas ang dinamitang malapit sa kinalalagyan nila Jager kaya sila ay tumalsik at napinsala. Naramdaman nila Mario at Rokas ang pagyanig saglit ng lugar na pinaglalabanan nila, saka sila huminto sa paglalaban.
"Siguradong si Vald ang naggawa niyon. Sana naman walang nadamay sa pagsabog," sabi ni Rokas sa isipan niya.
"Hoyy! Kagagawan mo ba iyon?!"
"Oo. Pinalagyan ko ng pampasabog ang bawat lagusang papunta sa lugar na ito, kaya wala ka ng mga tauhan na tutulong sa iyo para talunin ako." sagot niya na nagdahilan nang pagkainis pa lalo ni Mario.
"Hindi ka na rin makakaalis pa dahil pinasirado ko na rin ang mga pinto at sikretong lagusan papunta sa labas ng siyudad..." dugtong niya at itinutok ang espada sa kaniya. "Mario White-Iron, tapusin natin ang labang ito ng tayong dalawa lang."
"Hmm! Sige! Tingnan natin kung sino sa atin ang makakaalis ng buhay!... Gruaahh!..." sigaw niya sa kaniyang pagsugod kay Rokas upang talunin siya.
*****
Pagbalik muli sa pinangyarihan ng pagsabog, matutunghayan ngayon sila Vald na nakadapa sa lupa at pinilit na makatayo sa pagkakabagsak. Si Vald ang unang nakatayo bagama't siya ang pinakamalayo sa pagsabog kaya 'di siya ganun na napuruhan gaya nila Gin. Siya pa rin ay naiinis sa nangyari dahil sa 'di inaasahang pagsulpot nilang dalawa.
"Hoyhoy! Ayos lang ba kayo?... Bakit ba kasi kayo naririto?!"
"Sa totoo lang gusto ko rin itanong sa iyo 'yun," sambit ni Gin na medyo hirap sa pagtayo.
Pinagpag nila ang kanilang sarili sa alikabok at napatingin sa nag-uusok na mga batong nawasak at nalaglag na ngayon ay humaharang na sa lagusan. Makikita na nakapagtamo sila ng galos at sugat sa katawan pero pasalamat sila na hindi sila lubos na napuruhan.
"Kasama rin ba ito sa plano niyo?" tanong ni Jager.
"Oo, dati na nilang pinalano 'to at hindi lang nila nasabi kanina. Kahit nga ako ay nagulat nang biglaan lang nila itong ipinasa sa akin na walang kaalam-alam... Maswerte kayo na 'di kayo tuluyan na nasabaguan... Ohh heto para gumaling mga sugat niyo." bigay alam at tulong niya sa kanila at iniabot ang bote na may lamang recovery pill. Galak na tinaggap naman ito ng dalawa at sila'y nagpasalamat kay Vald.
"At teka nga, bakit ba kayo pumunta rito? Hindi ba't nasa panig kayo ng guild ninyo na salakayin ang dungeon na iyon?" takang wika niya sa kanila.
"Pasensya ka na, etong si Gin kasi ay nakisali pa sa gulo nila Mario. Kasama niya sana si Ginoong Taro na umuwi sa lugar ni Saron pero pinili niya pa rin na manatili at siyasatin sila," aniya na ikinasimangot ni Gin.
"Parang ako pa yata ang may ginawang mali?" sa isipan ni Gin.
Nabago na lang ang kanyang ekspresyon nang maramdaman niya ang mabilis na paghilom ng kaniyang sugat at pagkawala ng sakit sa katawan, ganun din si Jager.
"Mukhang ang kalidad ng recovery pill mo ay galing pa sa Silverstead. Ganito rin ang kalidad na meron sa angkan ko," bahagi niya na ikinatuon nila ng pansin.
"Oo, galing ito sa Silverstead dahil ang Rokas na iyon ay supplier ng mga pambihirang pill at siya ang nagmamay-ari ng organisasyon na iyon na tinatawag na Silver Cure," tugon niya na ikinatuwa naman ni Jager.
"Maganda nga ang kinabubuhayan niya! Kaya siguro nahikayat niya ng mabilis ang mga Elder namin na maki-alyansa sa kaniya ay dahil doon... Tiyak na may lunas na ang angkan namin para paggalingin ang mga nasaktan," komento at bulong ni Jager na hindi naman gaanong pinansin ni Vald.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasiAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...