❂ Chapter 44: The Goddess of Fire, Desire and Ambition ❂
Matapos ibigay ni Gin ang pinakamalakas niyang atake sa Elder Sage, unti-unting nagiging abo ang naagnas nitong katawan, tanging ang balabal na gutay-gutay, maskarang gawa sa bakal, tungkod at mga alahas nito ang natira sa kaniya. Sumabay din ang pagkalat ng pulang liwanang na nagkikislapan papunta sa pader hanggang sa maglaho ito doon kasabay ng dahang-dahang pagbukas ng sikretong pinto.
Halos lubos na hiningal doon si Gin, subalit laking kapanatagan niya na nagawa niya 'yon talunin sa tulong din nang pinagsama-sama nilang lakas at kakayahan. Agad niyang napansin na meron itong iniwan na bagay na tila pareho sa susi na pinakita sa kanila ni Sirika. Hindi ito katulad sa gintong alahas ng Elder Sage pero isa itong malaking bagay na hindi kaagad mapapansin ng iba.
Kinuha niya ito at inalala ang susing nasa kwintas ni Sirika, pinagtambal, pinagkumpara, at napansin niya na kumokonekta iyon sa nawawalang bahagi ng susi. At nakita niya nga ang imahe ng bilog sa susi na iyon, parang dial.
'Ito na nga, ang ikalawang bahagi ng susi,' sa isipan ni Gin at narinig niyang umubo si Jager dahilan para agad niya itong pinuntahan.
Nakita niya ang pagtulo ng dugo sa kaniyang bibig at lubos ding mapapansin ang panghihina ng kaniyang katawan sa pagpupumilit niyang tumayo. Nakita niya rin itong ngumisi sa harapan niya dahil sa tagumpay nilang matalo ang bantay sa kayamanan ng Lorgmor.
"Hahaha! Nagawa mo!..." mahinang halakhak nito at nakaramdam ng sakit sa kaniyang katawan.
"Ayos ka lang ba?" aniya habang inaalalayan siya.
"Oo, ayos lang ako, masyado ko lang inabuso yung katawan ko sa paggamit ko ng sining. Mas kakailangan nila ng tulong mo..." turo ni Jager sa mga kasamahan nila na walang malay.
Pagkatapos niyon, isa-isa na nilang binigyan ng komportableng lugar ang mga kasamahan nila, pinagpahinga sa ligtas na lugar sa loob ng silid na iyon, Pinainom din ng recovery potion na ibinigay na meron sila, gayon din sila ay nakainom naman ng recovery pill na bigay pa ni Vald sa kanila.
Habang sila ay nakasandal at nakaupo sa pader, ipinakita naman ni Gin kay Jager ang ikalawang bahagi ng susi.
"Iyan ang..." nagtatakang wika niya habang tinitingnan iyon sa kaniyang kamay.
"Mukhang totoo nga na merong kayamanan na nakatago dito sa dungeon na ito... Hindi ko pa alam noon kung saan ko gagamitin ang kayamanan na iyon kung sakaling matagpuan natin iyon, pero sa tangin ko ay nakaisip na ako kung saan," aniya na nagpaisip kay Jager.
Agad naman siyang nagkaroon ng ideya at nagsabi, "Iyon ba ay para sa maliit ninyong pamayanan?" tanong niya na dahilan para tumango ng pagtugon si Gin.
"Hindi ko iyon personal na maibibigay sa kanila kaya kakailangan ko din ng tulong ni Rokas na maipadala iyon." tugon pa niya na ikinatuwa naman ni Jager.
Hinayaan na lang nila ang kanilang sarili na ipagpahinga ang pagod nilang katawan, lamunin ng katahimikan at kapayapaan ang kanilang isipan pero natigil ito nang marinig nila ang yapak ng mga paa sa malayo at madako ang tingin doon.
"Ikaw Jager?... Saan mo naman gagamitin iyon?"
"Ahmm... Sa tingin ko ay..." nahinto na lang ang pagsasalita ni Jager nang madako ang tingin niya ulit sa mga paparating.
Laking gulat niya na makita si Mario kasama ang miyembro ng Gold Path na nahuli nila sa labas tila naka-recover kaagad sa pinsalang kanilang tinamo. At ang isa pa nilang ikinapangamba ay ang pinaka-iingat-ingatan nilang kasamahan na si Sirika ay nasa kamay ng isang miyembro ng Gold Path, nagpupumilit na lumaban at magpumiglas.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...