❂ Chapter 7: Embark to first journey ❂
Nakabalik na ako ngayon sa bahay, sa loob mismo ng silid at nakahiga sa aking kama. Nag-iisip pa rin ng mga bagay na kapagod-pagod isipin dahil sa mga nalaman ko ngayong gabi, Hawak-hawak ang kahoy na capsule na lalagyan na may lubid na pwedeng pagsabitan sa leeg.
~~~~~***~~~~~
"Bakit niyo po sa akin ipapaubaya ang Buto?... Nandiyan naman si Gin ahh, malakas siya at kayang ipagtanggol ang sarili niya sa mga kalaban. Bakit po sa akin?" takang tanong ko.
"Hindi pa alam ni Gin ang tungkol sa buto na ito. Kung sa kaniya ko ibibigay ito, siguradong uunahin niya ang paghahanap sa matandang Elfar na si Telam at ipagpauna ang kahalagahan at kapangyarihan ng butong ito... Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong meron sa butong iyan." dismayadong wika niya dahilan para ipagtaka ko.
Bakit naman niya nasabi iyon? 'Di ba sinabi ni Edward na iyan ang susi sa ikapagbubukas ng Sagradong Yaman o yung Argenta na tinatawag nila?... Anong dahilan?
Hinintay ko na lang ang sunod na sasabihin ni tanda sa akin. Bumuntong hininga siya bago magwika. "Mahihirapan si Gin kung itutuon niya ang dalawang misyon sa paglalakbay ninyo, mas mabuting hanapin niyo muna ang Lone Hero sa Algaren ng sa ganun ay mapigilan natin ang mga kalaban na sumalakay ulit rito..." aniya at binalik ang buto sa lalagyan at tinalian ng lubid para ibigay sa akin.
"Itabi mo ito, ilayo sa mga kalaban at kumakaaway sa inyo. Kung gusto talaga itong makuha ng mga kalaban, siguradong may kapangyarihan ito."
Kinuha ko na nga ang buto kasabay ng mga tanong sa aking isipan. Oo nga, Para nga lang itong normal na buto?
"Matanong ko lang kung bakit po kayo nagkapagduda sa buto na iyan? Bakit sinabi sa akin ni Sir Edward na susi daw ito sa pagkakaroon ng buhay ng walang hanggan? Ano po ba talaga ang paniniwala ninyo?" Dahil sa tanong ko, mas lalo siyang nadismaya at tumalikod sa oras na iyon. Nanahimik saglit ang aming paligid at hinintay ulit ang kanyang sasabihin.
"Paniniwala iyon ng ama ko, hindi sa akin... Gusto kong paniwalaan pero... Hayss! Mas lalo lang yata lumalala ang buhay ko kapag isinasangkot ko ang sarili ko sa buto na iyan... Hindi, hindi lang pala ang sarili kong buhay, mamayan ko pa," problemado niyang saad na nagbigay naman sa akin ng pag-aalala.
Hindi ko akalain na masasabi niya iyon sa isang bagay na pinahahalagahan nila. Hindi ito ang inaakala ko, ibang-iba sa mga napapanood at nilalaro kong video games kaya mas lalo na akong nagtaka.
"Iyan lang naman ang iniwan sa akin ng ama ko noong ibuwis niya ang buhay para iligtas ako. Kasama ang kanyang pananaliksik sa mga natuklasan at nadiskubre niya sa lugar ng Sarim, tulad na lang ng nalaman mo kay Edward..." mahinahon niyang wika at lumingon sa akin.
Nagsimula na akong mayamot, mapaisip dahil sa nalaman ko sa kanya. Alam ko ang pakiramdam na iyon dahil nangyari na rin sa'kin iyon. Tanging picture lang namin ni ina at tatay Jomel ang memorableng iniwan niya sa akin.
"Kung ipapadala mo ito kay Ginoong Telam, maaari niyong malaman kung anong kapangyarihan ang bumabalot sa buto na iyan..."
"Sino po ba si Ginoong Telam? Saan ko po siya makikita?"
"Siya ay isa sa mahuhusay na salamangkero ng Elirel. Tawag sa kanila ay Arch-Mage. Meron siyang manor na tinitirhan sa labas ng siyudad, sa bayan ng El-Hor at doon mo siya makikita." aniya at saka naman ako marahan na tumango.
"Sige po Tandang Bam, tatanggapin ko po... Dahil gusto ko ring malaman kung anong magic meron sa buto na iyan... Ayy, meron nga ba?" binawi kong sabi nung mapagtanto ko nga... Hindi ko alam ehh.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasíaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...