❂ Chapter 4: Harvest Festival ❂
Makikita sila Jharel ay kasalukuyan ng kumakain sa hapag kainan ni Edward sa umagang 'yon, kasama ang punong guwardia ng Basil na si Edward.
"Interesado ba kayo sa gaganaping pista mamayang gabi?" tanong ni Edward
"Oo naman Sir Edward! Kagabi lang ay pinag-usapan namin iyon nila Jharel at talagang nasasabik kami kung anong handa ang makikita namin sa inyong pista," masayang tugon ni Gabriel na ikinatuwa rin ni Edward.
"Siguradong maraming tao ang magtitipon ngayon sa lugar na ito," ani ni Rika
"Marami ring mga darayong manlalakbay at mga opsiyal ng iba't ibang organisasyon ang bibisita mamaya. Kaya kailangan ulit namin ng tulong niyo para maisaayos kaagad ang lugar na pagdadausan," bigay alam at pakiusap ni Edward sa kanila.
"Yes Sir! Tutulong po kami," masiglang tugon ni Lyan.
Matapos ang kanilang paghahanda ng kanilang sarili, nagsimula na silang pumunta sa centro ng bayan. Makikita ang bawat mamamayan ay nag-sisitayo ng mga tindahan, palaruan at sa harapan ng bulwagan makikita ang tinatayong entablado.
"Even this age, alam na rin nilang maghanda ng mas mabuti tulad ng sa atin," bahagi ni Lyan na ikinasang-ayon nila.
"Oo nga, nakakamangha nga," bulong ni Gabriel.
Nang madako sila sa tapat ng tinatayong bulwagan, nakita nila ang mga taong nagtutulungan na kumpunihin ang stage at tent sa gilid niyon. Dahil doon hindi nila maiwasan na mapatingin sa paligid nila.
"Ohh Gabriel! Mabuti nandito na kayo."
"Manong Benor, 'di ko alam na ikaw rin pala ang namamahala sa pagpapatayo ng mga tindahan at entablado para sa pista niyo," ani ni Gabriel.
"Hindi lang ako simpleng taga-panday, isa rin akong mahusay na karpintero. Halos lahat ng kabuuang kabahayan dito ay ako ang nagpatayo," pagmamalaki niya na ikinamangha nila.
"Ang galing mo naman pala Manong Benor!" Pagpupuri ni Gabriel dahilan para mapatawa siya ng malakas.
"Hahahaha!... Para mabilis ang aking gawain maaari niyo ba kaming tulungan?"
"Opo, Manong! Kayo pa!" Masiglang tugon ni Gabriel at sumang-ayon din sila Lyan, Rika at Jharel.
"Ayos! Mga kasama, sila ang mga bago niyong katulong. Kahit mga bata pa sila, marami silang nalalaman sa mga gawain," sigaw niya para makuha ang atensyon ng mga kasamahan niya na ikinatuwa din nila.
Nakipag-kamay at nakibati sila ngayon sa mga kasamahan ni Benor at ang iba ay galing pa sa ibang bayan. Nagsipagkilala sila sa isat-isa ganun din sila Jharel.
"Kung gusto niyo ring tumulong sa ibang mga estasyon at puwesto, walang problema, nasa inyo ang desisiyon," dagdag pa ni Manong Benor.
"Kayo? May pupuntahan ba kayo?" tanong ni Gabriel sa kanila.
"Siguro sasamahan na muna namin ni Jharel si Ate Sila sa paghahanda ng kanyang tindahan," tugon ni Rika.
"Sa trading post na lang din siguro ako," bigay alam ni Lyan.
"Kung gayon, sasamahan ko na lang si Manong Benor dito sa sentro," saad ni Gabriel sa kaniya.
"Mabuti, medyo marami kasi dito sa sentro kaya kailangan namin ng mga tauhan. Ayos din sa ibang purok para madali din nilang matapos ang kanilang tinatayong tindahan." Galak na tugon ni manong. Kaya naman nagsimula na silang maghiwalay para gawin ang kani-kanilang gampanin sa araw ng pista.
Makikita sila Gabriel at Benor ay nagtutulungan, parang master sa apprentice ang dating ng kanilang samahan. Kada buhat ng mga kahoy ay dalawa silang nagdadala ng mga iyon. Magkasama din silang nagpupukpok ng pako sa kahoy.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasíaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...