❂ Chapter 35: Noble Thieves ❂
Sa kaibabawan ng puting buwan na natatakpan ng ulap, at sa mataas na gusali nakatayo sa bubong sila Vald at Binjor, nakatanaw sa palasyo ng Rolmor. Nakasuot si Vald ng Guild Armor na nababalot ng leather, may kulay puting linen ito at may itim na shade at edges, katulad din ng suot ni Binjor pero kulay red at brown ang kaniya.
"Handa ka na ba, Vald?" wika sa kaniya ni Binjor.
"Handang-handa na ko kanina pa," masungit na wika naman ni Vald.
"Hahaha... Mukhang 'di ka pa rin nagbabago sa ugali mo ngayon."
"Wala naman akong kailangang ipagbago. Ako ay ako, si Vald pa rin na kilala mo noon."
"Hahaha... Sige-sige, Tingnan natin kung nasa iyo pa rin ang kakayahan mo sa pagnanakaw," aniya at aktong bumuwelo ng pagtalon si Binjor mula sa pitong palapag na gusali ng clock tower.
"Hoyy! Sandali!..." Pahabol na sigaw ni Vald sa kaniya.
Walang takot na hinamon ni Binjor ang panganib sa pagkabagsak sa sahig at bi-nend konti ang katawan. Nang sa ganun ang paglalag niya ay pahiga sa kumpol ng mga dayami, doon sa wooden cart. Maganda ang pagkabagsak niya at 'di nasaktan sa impact ng gravity. Si Vald ay bahagyang pinag-pawisan sa pagkadama ng kaba.
Nakita niyang umalis roon si Binjor na walang natamong pinsala at ngiting tinitigan siya sa itaas. Saka siya sumenyas para sundan siya sa pagtalon.
"Hayys... " Buntong hininga ni Vald at isinantabi ang takot at panganib sa gagawin niyang pagtalon.
Bumuwelo siya ng kaunti at ginaya ang ginawa ni Binjor sa maayos na pagkabagsak. Sinubukan niyang i-bend ang katawan para pahiga siyang bumagsak at ipantay sa lusutan ng wooden cart. Gumamit siya ng Gen at sinigurado na hindi siya masasaktan sa pagkahulog. Dumiretso ang kaniyang katawan sa dayami at nakaramdam ng sakit sa likod, na para bang may kahoy na tumama sa kaniyang likuran.
"Arghh!.. Ang sakit!... Ano ba ito?!" singhal niya at nakita na may kahong nakatago sa loob at medyo nag-crack dahil sa impact. Narinig niya ang halakhak na boses ni Binjor sa labas.
"Hahaha!... 'Di ko alam na meron palang kahon sa pinaghulugan mo, nakalimutan kong sabihin." Wika niya, dahilan para mainis si Vald at idungaw ang ulo niya sa ibabaw ng dayami.
"Putek ka! Muntik na kong mamatay sa ginawa mong paglimot!"
"Pasensya na! pasensya na!" simpleng pagtawad niya sa kaniya.
"Pagkatapos lang nito 'di kita patatakasin ng hindi ako nakakaganti sa iyo!"
"Oo na, oo na. Maya na lang natin ayusin 'to..." wika niya at agad siyang nakarinig ng mga yapak papunta sa kanila dulot ng epekto ng kaniyang earring. "Magtago ka!" Seryosong sambit niya at agad naman itong tinugon ni Vald. Mabilis rin nagtago si Binjor
Nang makarating ang lalake sa tabi ng karwahe ay saka na binigyan pagkakataon ni Binjor na pabagsakin ito ng hindi niya namamalayan. Mabilis niyang ginapos ang leeg nito gamit ang braso at tinakpan ang bibig ng panyo na may pangpatulog, at agad naman itong nawalan ng malay.
"Pwede ka ng lumabas kung gusto mo..." sambit niya at iniangat naman ni Vald ang kaniyang katawan sa dayami. "Mayamaya ay aalis na tayo." dagdag pa ni Binjor habang hinuhubaran niya ang lalake at gamitin ang damit sa pagpapanggap.
Seryosong tinitigan na lang ni Vald si Binjor habang sumasagip sa isip niya ang pag-uusap nila bago manghimasok.
"Sabihin mo nga sa akin Binjor, ano na ba ang nangyari sa Guild? Bibihira ko na lang mabalitaan ang tungkol sa inyo, kahit si Bors ay ayaw akong payagan na makialam sa Guild. Ano ba talaga ang nangyayari hahh?"
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...