Chapter 42

393 33 0
                                    

Chapter 42: Race to Ultimate Treasure

Matapos ang paglalaban na naganap sa grupo ni Heneral Gregnar laban sa grupo na nagpakilalang Shadow Killer. Matutunghayan ang pinuno niyon na nakadapa sa harap ni Gregnar, pagod, sugatan at hindi na pinilit pang lumaban, ganun din ang mga kasamahan niya. Hindi niya alam kung patay na ba ang iba sa kanila o walang malay, pero may isa siyang alam na pwede lamang nilang gawin sa oras na ito, at yon ang tanggapin ang kanilang pagkatalo.

Hindi nila pwedeng ibuwis ang kanilang buhay para sa layunin nila, mas mahalaga pa rin ang buhay at 'yon din ang utos sa kaniya ng pinuno niya, maging din sa mga tauhan niya. Balak lang nilang patagalin ang pag-usad nila nang sa ganun ay hindi sila makaabala pa sa plano nila.

Nagpaalam na rin si Has kay Gregnar at inumpisahan na nilang punatahan si Mario para tulungan siya. Naiwan na lang si Gregnar at ang grupo na nakasalampak sa sahig.

Lumapit ngayon si Gregnar sa kaniya at galit na nagsabi, "Nasaan si Sirika? Saan niyo siya dinala? Sabihin mo?"

Bahagya namang siyang tumawa habang tumatayo bago magsalita, "Hindi mo alam kung anong totoong nararamdaman niya kaya bakit ko sasabihin sa iyo?"

Dahil doon, mas lalo siyang nainis at hinawakan siya ng mahigpit sa kolar ng damit niya.

"Sino ka ba para sabihin mo sa akin iyan?! Hindi kita gustong patayin ngayon dahil kailangan mo pang panagutan ang mga kasalanan niyo!... Nasaan na siya?" mas galit na pagkakasabi niya. Matagal niya itong tinitigan ng masama at hintayin ang isasagot niya.

Sa likod ng mask na iyon ay sandaling pumikit at marahan na huminga ng malalim. Aktong kukunin niya ang isang bagay sa likod ng balabal niya kaya agad siyang pinigilan ni Gregnar at sinuntok siya ng malakas sa mukha. Bumagsak siya sa lupa at halos mawalan na ng malay dahil doon.

Hindi niya namalayan na nasira na ang kalahating bahagi ng mask at tinanggal ito dahil sa pagsuka niya ng dugo na kumalat sa bibig niya.

Aktong lalapitan pa sana siya ni Gregnar at ipagmukha na kailangan pa niyang kumbinsihin siya gamit ang kamao pero hindi na niya nagawa pa dahil sa nalaman niya, "Ikaw?!..." gulat na sambit niya nang makita ang mukha ng taong pinagkatiwalaan niya kanina lang, at 'yon ay walang iba kundi si Taro.

Buntong hininga na lamang niya na makilala na ang tunay niyang mukha at hirap na nagsabi, "Ngayon na nalaman mo na kung sino ako, nais kong ibigay sa iyo 'to."

Hindi mawari ni Gregnar kung bakit notebook ang ibinibigay sa kaniya ni Taro, hanggang sa mapansin niya ang kober at sukat na tila pamilyar sa kaniya noon. Wala naman masama kung titingnan niya ito, at kung gawan siya ng masama ay kaya naman niya itong pigilan, kaya binasa niya ito at agad na nanlaki ang mga mata sa nakita niya.

"Bakit nasa iyo ito?!... Saan mo 'to nakuha haah? Sumagot ka!"

"Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo 'yon pero sa lugar nakatala diyan malalaman mo na kung saan siya pwedeng dalhin."

"Tchh!... Hahayaan ko muna kayo sa ngayon pero sa oras na makita ko ulit kayo, manggulo sa pamilya ko at sa kaharian na ito, hindi ko na kayo pagbibigyan pa na mabuhay pa!" pagbabanta niya at nagmadaling lumisan sa lugar na iyon.

Naiwan na lang siya at ng grupo niya, medyo dismayado sa nangyari sa kanila lalo na't nalaman na niya ang tunay niyang mukha. Hindi pa naman sa tunay pagkakilanlan na kasamahan siya ni Rokas pero hindi na siya maaaring magpakita pa sa kaniya at isapanganib ang buhay ni Rokas dahil sa kaniya.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon