❂ Chapter 27: To Cure ❂
Iminulat ni Gin ang kaniyang mga mata at nakita niya ang kisame ng loob ng bahay. Sumulyap siya sa kabilang banda at nakita niya si Edward na nakaupo at meron ding mga benda sa katawan. Siya ay nagbabasa ng libro sa mga oras na iyon.
"Edward?" takang tanong niya dahilan para mapansin siya ni Edward.
"Ahh gising kana pala. Mabuti na ba ang lagay mo ngayon?"
"Nasaan sila Aster at Jager? Kailangan na naming magmadali. Urghh!..." sambit niya habang pinipilit na tumayo at napaluhod dahil sa naramdamang pinsala sa kaniyang katawan.
Agad naman siyang tinulungan ni Edward na makatayo at naisipang ibalik siya sa pagkakaupo sa kama.
"Wag ka munang bumangon Gin. Kailangan mo pang magpahinga."
"Yung gamot. Kailangan na namin siyang puntahan."
"Huwag mo muna ipilit ang sarili mo, hindi pa magaling ang lahat ng sugat mo kaya magpahinga ka na lang muna diyan... Huwag kang mag-alala nasa maayos naman sila na kalagayan at nagpapahinga sa kabilang silid. Mabuti na lang naagapan namin na makarating kami sa inyo, kung hindi ay mapapatay ka sana ng Inang Siringan."
"Ano pala ang nangyari?"
"Ahh, napatigil na namin sila gamit ang Narmir. 'Di na sila muling magaglit pa sa inyo kahit na magpunta ka pa ulit sa gubat."
"Narmir?"
"Oo, gamit ito..." sagot niya habang pinalilitaw niya sa kamay niya ang mahabang rod na gawa sa kahoy. Nagtaka naman si Gin kung bakit ang tungkod na iyon ang dahilan para mapatigil niya ang mga bantay.
"Natagpuan lang namin ito kanina sa templo ng Nerestia. Sinabi sa akin ni Tandang Bam na ito daw ang tungkod na ginamit ni Efer para protektahan ang Kagubatang Naerenar. Hindi ko akalain na maglalabas ito kaagad ng kapangyarihan para pigilan ang mga bantay kahit na binubuhos ko pa lang ang mahika sa tungkod na ito."
Naalala ni Gin ng namulat niya konte ang kaniyang mga mata nung nakadapa siya sa lupa at tumingala saglit sa taas. Nakita niya ang liwanang na galing sa taas at muli niya pinikit ang mga mata.
"Kung gayon, 'yung tungkod na iyan ang dahilan kung bakit umilaw ang dakong iyon... Nararamdaman ko nga ang kakaibang presensya sa tungkod na iyan."
Sunod na binalik ni Edward sa pagkakatago ang tungkod gamit ang kaniyang mahika na Object Concealing na parang bulang naglaho sa kawalan, at siya'y nagwika, "Nasa kabilang kuwarto nga pala yung dalawang kasamahan mo. Nagpapahinga rin sila at binabantayan ni itay." Tugon sa kaniya ni Edward na ikinatuwa niya ng lubusan.
"Salamat..." aniya na ikinatuwa naman ni Edward.
Sandali siyang tumingin sa kaniyang lagay na nababalutan ng maraming pasa at sugat, ganun din ang daloy ng enerhiya na nagmumula sa kaniya ay halos paubos na at hindi nasisidlan ng maayos. "Siguro ay kailangan ko ng unti-untiin ang paggamit nito," wika niya sa isipan at sinimulan na niyang gamitin ang Energy Flow.
Nagulat si Edward ng maramdaman niya ang unti-unting pagtaas ng kaniyang enerhiya at hindi nagtagal ang mga pasa sa kaniyang katawan ay naglaho na rin ng bahagya.
Pagkatapos ay ginalaw-galaw na ni Gin ang kaniyang braso atsaka tumayo sa harapan niya."Anong ginawa mo Gin? Bakit bigla na lang nag-iba ang daloy ng iyong aura?"
"Isa iyon sa kaparaanan ng mga sinaunang tao para mai-ugnay nila ang sarili sa kapaligiran. Salamat na natutunan ko iyon sa paglalakbay namin sa tulong ng aking kaibigan. Gusto mo rin bang matutunan iyon?"
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...