Chapter 29

562 47 0
                                    

Chapter 29: New Progress 

Matapos silang puntahan ng pinuno ng Shadow Guild, sila ngayon ay nasa loob ng kaniyang tahanan para pag-usapan ang patungkol sa gagawin nilang pagsalakay sa kalaban. Makikita na silang tatlo ni Jager, Aster at ng matanda ang nakaupo ng pang-eastern style ganun din ang estilo ng kanilang gusali.

"Hindi mo maaaring ilagay ang iyong sarili sa panganib hangga't nasa iyo pa ang responsibilidad ng angkan mo!... aniya na may diin sa tono niya na isinawalang bahala lamang ni Jager. "Paano kung hindi ka na makakabalik ng buhay, sino na ngayon ang pinuno na titingalain nila?" dugtong pa niya na ikinabagot pa niya.

"Bakit na lang ba lagi ang magdidisisyon ng aking buhay haa, tanda?" Reklamo ni Jager sa kaniya na ikinasimangot naman ng matanda.

"Dahil ako lang naman ang iyong guro at tagapayo simula ng utusan ako ng iyong ama na sanayin ka. Matanda ka na Jaheron kaya alam mo na dapat ang bagay na iyon," giit niya na nagbigay inis kay Jaheron o totoong pangalan ni Jager at mapatayo sa kinauupuan niya.

"Kaya nga ako gustong tumakas ay dahil sa iyo at sa hamak na..."Hindi na tinuloy ni Jager ang kanyang sasabihin dahil magdudulot pa ito ng gulo. Pinagpauna na lang ang kaniyang pagtitimpi upang mabigyan pa siya ng tsansa na gawin ang gusto niya.

"Gusto ko lang na maging malaya Mazef, ayoko ng magamit pa ng iba para sa pansarili niyang hangarin. Hindi ko rin gusto na mangalakad sa buong angkan natin dahil... hindi iyon ang bagay na kinagagalingan ko," taimtim niyang sabi sa kausap na nangngangalang Mazef buhat ng kaniyang totoong saloobin na ikinatahimik niya.

Nang malaman din ito ni Aster, lubos na niyang naisip na ito ang dahilan ng kaniyang pagbabago. Dati na niyang iniidolo si Jager dahil sa angking talento nito sa pakikipaglaban at hinirang din na maging pinuno ng angkan. Madalas niyang nakakasama sa pagsasanay at pag-aaral ng iba't ibang linguwahe at kasaysayan, subalit iba naman ang tingin sa kaniya ni Jager.

Lagi siyang binibigyan ng malamig na tingin at pinagsasawalang bahala dahil sa mahirap nitong kalagayan noong natagpuan niya siya sa lansangan. Minsan na niyang sinabi ang nararamdaman niya patungkol sa kaniya pero tinanggihan lamang niya siya, na nagdahilan naman kay Aster na maging matapang at maibaon sa hukay ang emosyon niya para sa kaniya at sa ibang tao.

Ngayon napagtanto na niya ang pasanin na kinakaharap niya noong panahong iyon. Tanging pagkaawa na lang ang maiguguhit ngayon sa mukha niya.

"Sa totoo lang Jaheron, ayoko lang na mawala ka sa buhay ko. Kahit sa huling sandali ng aking buhay ay sana naroon ka pa rin sa piling ko..." aniya habang siya'y tumalikod sa kanilang dalawa at inalala ang bawat sandali nang kanyang nakaraan. "Alam ko ang ginagawa sa iyo ng iyong ama at iba roon ay hindi ko kayang sikmurain. Pero hindi ko naman iyon kayang labagin dahil malaki rin ang utang na loob ko sa kaniya, at minsan na niya akong binigyan ng pagkakataong mabuhay ng ganito.

"Ito rin ang huling habilin niya sa akin bago siya kuhaan ng buhay bilang pagsisisi sa ginawa niya para sa iyo kaya, pagbigyan mo sana ang ama mo sa kahilingan niyang iyon," pakiusap niya pero tinalikuran lamang siya ni Jager at aktong aalis na siya ng silid na iyon.

"Hindi mo pwede isawalang bahala na lang ito... Inutusan kita bilang Head Master ng guild na bumalik ka rito!"

Bumuntong hininga na lang si Jager at nagsabi, "Hindi ko pa po pwedeng tanggapin ang kahilingan na iyon, guro. Kung maaari sana, pagbigyan mo rin sana ako na mapaghigante ang ating mga kasamahan at ang ama ko... Tugon niya na ikinpag-alala sa mga mata ng pinuno niyang si Mazef.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon