❂ Chapter 45: Duranar's War Alliance ❂
Minulat na ni Gin ang mga mata niya at natagpuan ang sarili niya sa kama, may ilang bendang nakabalot sa kaniyang katawan. Hindi niya mawari kung paaano siya napadpad dito, at sino ang nagdala sa kaniya rito. Hindi niya rin malaman kung kaninong bahay ito, pero mapapansin sa disenyo at estraktura ng silid ay malamang na mayaman ang nakatira dito.
'Mukhang nawalan nga ako ng malay matapos kong tanggapin ang kapangyarihan niya... Teka, ano ito?...' taka sa isipan niya nang makita ang kakaibang marka sa kanan ng likod ng kaniyang kamay. Kulay pula ito at tila sumisimbolo sa apoy.
Hindi na niya masyadong pinansin ang marka at tinuon na niya ang pansin sa paligid. Bumangon siya sa kama at lumapit sa bintana. Tiningnan niya ang nasa labas at nakita na naroon ang mga tao na nagsisiparoon-parito, may mga binubuhat na kaban at sako sa karwahe at tinitipon sa iisang lugar. Napagtanto niya na mga kayamanan ito na galing sa dungeon ng Lorgmor.
Wala siyang ibang nakita na galing sa guild ng Red Hunter, ganun din sa Shadow Gale o Noble Heist, tila mga karaniwang bantay at trabahador ito sa lupain o manor na ito. Pinagmasdan niya ulit ang piligid ng silid at nakita ang nakatuping damit sa ibabaw ng maliit na desk at sa tabi niyon naroon ang espada niya nakapatong. Kinuha niya ang mga ito, sinuot at lumabas na ng silid.
Sa pagmamadali niya ay nakasalubong niya ang mga maid sa pasilidad, sinubukan siyang pigilan nga mga ito pero nagpatuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa nakalabas. Nakita niya na naroon si Rokas nakatayo, nago-oobserba at nag-aasikaso ng mga ipapagawa sa kaniyang mga tauhan. Medyo gumaan ang loob ni Gin ng matagpuan niya siya kaagad.
Nilapitan niya ito dahilan para siya'y mapansin, "Ohh Ginoong Gin!... Mabuti naman ay gising ka na!" masayang bati ni Rokas tila walang problemang hinarap kagabi.
"Nanaginip ba ako?" manghang bulong ni Gin.
"Hahaha!... Hindi ka na nanaginip Ginoong Gin! Totoo ito at naisalba na namin lahat ng kayamanan sa Lorgmor," halakhak niya.
"Anong nangyari sa kanila?... Nasaan sila ngayon?" takang wika niya.
"Si Ginoong Mazef ng Sect master ng Shadow Gale at ang ibang miyembro niya ay kakalis lang kaninang umaga. Dalawa sa tauhan niya ang naiwan para samahan ang mga tauhan ko na magpapadala ng bahagi nila. Si Ginoong Armon naman ay naririto pa kasama ang mga miyembro niya at nasa bahay pagamutan sila. Ganun din sila Binjor at Kelen ay kasalukuyan pang namamahinga, sa tingin ko ay gising na rin sila."
"Si Jager?" tanong ulit niya na ikinangiti naman ni Rokas.
Sumenyas na lang siya na ituro sa kaniya ang taong hinahanap niya, paglingon ni Gin sa likod ay nakita niyang naroon si Jager nakupo at nakasandal sa puno, maligayang inoobserbahan ang paro-paro sa kaniyang daliri.
Napangiti na lamang si Gin sa magandang tanawin na kaniyang nakikita. Sinubukan niyang lapitan ito at napansin naman siya kaagad.
"Musta?" paunang bati ni Gin.
Bahagyang natawa naman si Jager at nagsabi, "Ako nga dapat ang magkamusta sa iyo... Kamusta na ang lagay mo?" aniya at tumayo sa harap niya.
"Mukhang mabuti naman siguro pero 'di pa rin talaga ako komportable na meron akong ganito sa kamay ko," tugon ni Gin at pinakita sa kaniya ang marka na nasa kamay niya.
"Talaga ngang nasa iyo na nga ang kapangyarihan niya... May naramdaman ka bang pagbabago sa iyo?"
"Wala naman, parang tulad lang din noon."
"Salamat pala ng marami sa iyo Gin na nakilala kita at lumalaban sa tabi ko kahit na labas na ito sa kasunduan natin," galak na wika niya na medyo nagbigay taka sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...