Chapter 12

914 62 1
                                    

Chapter 12: Rescue

Pagsapit ng umaga, basa at napupuno pa ng tubig ang sahig sa mga kalye at daanan. Nagsimula na rin sila Gin na magsuri at kumuha ng impormasyon sa mga mamamayan. Naghiwalay sila sa dalawang grupo para hatiin ang gampanin ng bawat isa. Magkasama si Gin at Ulfur sa kabilang bahagi ng Ilugan, ganoon din sa panig nila Lyan kasama ang Alkalde ng bayang Ilugan. Sila Gin at Ulfur ay kasalukuyang lumapit sa mga guwardia na nakatayo sa magkabilang pader ng tarangkahan upang magtanong.

"Ahh! Sir Ulfur, magandang umaga po!" masayang bati sa kanya ng isang guwardia.

"Magandang umaga rin."

"May kailangan ka po ba Sir?" tanong sa kanya ng isa.

"Oo... Itong si Gin na manlalakbay ay kahapong napabisita sa bayan natin, isa sa kasamahan niya ay nadakip ng mga hapong iyon. Kailangan namin ng mga saksi sa insidente kaugnay sa pagdakip sa kaniyang kasamahan... Gin," tawag sa kanya ni Ulfur kaya humakbang si Gin ng bahagya sa harapan nila para kausapin sila.

"Noong kahapon po bago mag-alas tres ng hapon, may nakita po ba kayong dalawang taong nakasuot ng kayumangging balabal na pumasok sa inyong bayan?"

"May kayumangging balabal? Dalawang Lalake? Wala kaming nakitang taong nakabalabal na brown na pumasok sa lugar na ito. Ngunit, may nagreklamo sa amin na lalaking takbo nang takbo sa kalye at sa gilid ng kanal na naka-iistorbo sa mga taong dumadaan, baka kaugnay iyon sa kasong pagdakip," aniya na nagbigay ngiti naman kay Gin. Alam niyang siya ang taong iyon kaya hindi na siya nagpahalata pa sa harapan nila.

"Iyong mga oras na iyon ay pasado alas-tres na din at may nakakita pa sa kaniya na humugot ng espada at tinitira ng mga palaso yung lalaking iyon. Tinangka din niyang saktan yung saksi na nag-ulat sa amin para pilitin siyang mamangka at habulin ang mga taong kasangga niya sa gulo," sabi naman ng isa dahilan para mabahala si Gin.

'Mga tao talaga! Ako na nga itong dumipensa para hindi siya madamay tapos ako pa yung nireklamo niya?'

"Hindi na nakahabol ang ilang bantay sa oras na iyon at huli na rin ng ma-iulat sa amin ang tungkol doon," dagdag pa ng gwardiya na nagpa-isip saglit sa kanila.

"Ano sa tingin mo Gin? Kakausapin ba natin yung saksi sa pangyayaring iyon, o hindi na?" nabaling ang atensyon ni Gin kay Ulfur.

"Ahh! Hindi na po!... Mukhang alam ko na po ang nangyari doon," pagtanggi niya para makaiwas siya sa mangyayaring gulo at hindi na magkaaberya pa. 

Agad din siyang tumingin sa dalawang guwardiya upang makaalis na sa usapan. "Salamat po sa impormasyong ibinigay ninyo sa amin... Sige, aalis na kami," ani ni Gin at nilisan na ang dalawang guwardiya.

"Sigurado ka ba, Gin, na hindi mo na kailangan ng ibang katuwang sa paghahanap?... Maaari natin silang isama o kung ano mang ipagawa natin sa kanila, para hindi na tayo mahirapan o matagalan pa," suhesyon ni Ulfur, subalit pinakinggan lamang siya ni Gin habang sila'y naglalakad sa daan.

Huminga nang malalim si Gin at matagal pa bago magwika. "Hindi na muna kailangan... Wala pa tayong sapat na ebidensya na mapagtatanungan para sa kanila. Kung mayroon man, maaaring mabigyan natin ng impormasyon ang mga kalaban na nagmamatiyag lang dito. Ayaw ko ng madamay pa ang mga kasamahan ko sa gulong ito, kaya gagawin lang natin itong palihim," aniya na nagpatigil kay Ulfur at sandaling napa-isip sa pagkama-ingat ni Gin.

'Ang lalakeng ito... Mukhang may nahahawigan ako sa kanya,' sa isipan niya at naalala ang lalaking nagbigay respeto sa kaniya. Muli siyang sumunod sa kaniya para puntahan ang susunod nilang pagtatanungan.

Pagkaraan ay narating na nila ang Otel at sila'y pumasok sa loob. Makikita ang iilang bilang ng customer na nakaupo, nag-iinom at nag-uusap. Nilapitan nila ang may-ari sa table counter at itinanong ni Gin ang parehong tanong din niya sa dalawang guwardiyang una nilang pinuntahan.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon