Chapter 20

674 58 1
                                    

Chapter 20: Assassins and a Foreseeing 

Sa parte ng gubat, mahamog at medyo malabo tingnan ang paligid. Sa taas ng pinagtayo-tayong kahoy sa nasirang watchtower, naroon ang apat na bandido na nakaupo at nagmamasid sa paligid ang isa naman ay natutulog nang umagang iyon. Mayamaya ay nakaaninag ang isang lalake ng mga taong nangangabayo papunta sa kamila. Agad siyang sumenyas sa mga kasamahan niya para maghanda at isa roon ang lumapit sa natutulog na kasamahan.

"Pare, gumising ka! May papalapit sa 'tin!" sabi ng isang lalakeng nagmamasid sa kasamahang natutulog.

"Huh? Saan?"

"Engot naroon! Kunin mo na ang armas mo! May trabaho pa tayong dapat gawin!"

"Hahaha!... Jackpot tayo nito pre! Kahit sa ganitong oras ay may naglalakbay pa rin na mga taong tulad nila. Siguradong matutuwa dito si boss!" wika naman ng isang lalake na nasa kuwartel, bumababa sa tore kasama ang mga kasamahan.

Pagdating ng grupong iyon sa watchtower nila, nagsihulog ang mga batong magkakumpol sa isang platform na ginagamitan ng mekanismo at lever at humarang iyon sa kanilang dadaanan. Kaya naman sila ay nagsitigil sa pagtakbo at sumenyas ang isang nasa harapan sa isang kasamahan para maghanda.

"Magsi-tigil kayo!" sigaw ng isang lalake na nasa itaas ng watchtower kasama niya ang tatlong archer na nagsitutok ng kanilang mga pana sa kanila, pati ang pagbaba ng apat na bandido na nagpadulas gamit ang lubid. Pagkatapos ay pinalibutan na sila at tinutukan ng mga armas.

"Hahaha!... Huwag niyong sisisihin ang mga sarili niyo kung bakit kayo naligaw. Huwag niyo rin babalakin na gumawa ng anumang bagay kundi mamamatay kayo!" pagbabanta rin ng lalakeng sumigaw kanina na ngayon ay bumaba papunta sa harapan nila. Wala naman ni isa sa grupo ang nagpakita ng anumang mapusok na reaksyon.

"Bumababa kayo sa inyong mga kabayo at itaas ninyo ang inyong mga kamay!" Utos ng tauhan ng lalake sa grupo ng manlalakbay.

Dahang-dahan naman nilang sinunod ang sabi ng isang bandido. Hanggang sa maitaas na nila ang mga kamay. Nakatalukbong lang ang kanilang mga mukha at tahimik na pinagmasdan ang mga bandidong nasa paligid nila.

"Tumalikod kayo doon! Ngayon na!" utos naman ng isa. Sinunod ulit nila ang sinabi ng pinuno ng mga bandido, at sila'y pinaalis palayo sa kanilang sinakyang kabayo. Nagsiyasat naman ang isa para kunin ang kagamitan nila. 'Di nagtagal ay natapos ito at nag-ulat sa kasamahan.

"Boss. May isa pang silang kabayo na kasama."

"Hah?! Paanong nangyari iyon ehh apat lang sila?"

Palihim na ngumiti na lang ang isang taong biniktima nila. At sa tagong lugar ng kanilang tore, naroon umaakyat sa itaas ng tore ang isang kasamahan ng mga nangangabayo at mabilis na sinugod ang likod ng isang archer at pinatay ito. Agad silang na-alerto sa biglang pag-atake ng kalaban sa lugar nila, laking gulat na lang ng mga nasa baba ang ambush na ginawa ng kalaban.

Agad ring kumilos ang dalawang assassin sa pag-atake sa mga bandidong nakatalikod sa kanila, nang hindi nila napapansin. Tinamaan ang isang bandido ng throwing knife na tinatago sa kaniyang mahabang kapa. Takot at pagkataranta ang naramdaman ng mga archer sa mabilis na paglapit ng kalaban, tumira pa ang isa ng palaso pero walang tinamaan, kaya siya'y nahiwa ng kanyang patalim. Naggamit naman ng nakamamatay na kidlat ang isa at tinamaan ang dalawang bandido na huling nag-kausap kanina. 'Di nila nakayanan ang bilis at liksi ng mga assassin at sila'y sunod -sunod na nagsi-tumba't namatay. Ang natira na lang ang pinuno na napaupo sa lupa, na naghihingalo dahil sa natamong pinsala ng kidlat.

"Maa-wa ka-yo!... 'Wag ni-nyo ako pa-tay-in!"

"Nagkamali kayo ng piniling kalaban."

'Di nila tinanggap ang pagmamakaawa ng pinuno ng mga bandido kaya pinatay nila ito ng isang kasamahan na lalakeng tumugon dito, tinusok ng kaniyang espada na nakuha niya sa napatay niyang bandido.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon