Chapter 24

613 47 1
                                    

Chapter 24: Hunting for remedy

Bago pa sumikat ang araw, si Gin ay gising na nung oras na iyon at handa na siyang umalis at iwanan sila Jharel. Iniwan niya ang sulat sa mesa at tinusok ito ng knife, napag-isip-isip siya sa pinili niyang desisyon bago siya lumiban. Muli na naman niyang naalala ang pinag-usapan nila kagabi.

~~~~~***~~~~~

"Kaya kailangan mo nang kasunduan mula sa amin para matalo ang lalaking iyon," sambit ni Jager matapos niyang marinig ang huling kondisyon ni Gin na talunin ang pinuno ng Black Lotus. Bahagyang tumango na lang si Gin at hinintay ang magiging desisyon nila sa kasunduan niya. Wala rin namang tumanggi sa mga kasamahan niya, bagkus ang makikita lang sa kanila ang galit na gumuguhit sa kanilang mga mukha.

Hindi lang sila galit sa panghahamak sa kanila ng lalakeng iyon kundi ang panggagambala at pagpatay niya sa mga ka miyembro nila sa guild. Huminga siya ng malalim at nagsabi, "Kung gayon, makakaasa ka sa amin. Gagawin din namin ang lahat para wakasan ang taong iyon at pagbayaran siya sa pagpaslang niya sa iba pa naming kasamahan," aniya habang napapakuyom ang mga kamao sa lapag ng mesa.

Kita rin ni Gin kung gaano din siya kapoot sa taong iyon kaya tahimik na lang niyang pinakiramdaman ang magiging takbo ng kanilang kasunduan. Bahagya siyang tumango bilang pagsang-ayon. "Ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa inyo na hindi ninyo maaaring gamitin ang buto na iyon para pagilingin ang kanyang sakit." Wika ni Gin dahilan para mas lalong mag-init ang ulo ni Aster.

"Bakit naman hindi?!... Hindi ba't Sagradong Yaman iyon? Akala ko ba na-"

"Hindi lahat nang naririnig mo ay totoo, at lalung-lalo na sa mga narinig mo doon sa taong iyon. At isa pa, wala rin kaming kaalam alam na ang butong iyon ay may kakayahan nga na magpagaling ng karamdaman, o kusang magpagaling ng sakit gaya ng hinihiling mo sa sarili mo... Kung gusto mong mapagaling ang iyong kapatid, kailangan mo rin paghirapan ang tunay na lunas para sa sakit na iyon."

"Tchh!... Ano ba ang gusto mo ahh?!" inis na tanong ni Aster.

"Ang gusto kong ipararing sa inyo ay 'yung paghanap ng lunas sa tradisyonal na paraan, hindi sa alamat o mirakulo na wala namang sapat na ebidensya..." Hindi na ngayon nakaimik si Aster kaya pagtitimpi na lang ng galit ang kaniyang maibibigay kay Gin mula doon sa kinatatayuan niya.

Muling humarap ulit si Gin kay Jager at nagwika, "Gaya nang nalaman ko sa inyo, ang sakit na nakuha ng kapatid mo ay isang Deathshade o ang pinakalalasong bulaklak sa lahat ng uri ng lamang lupang nilalang. Kaya naman, nais kong malaman kung kailan niya nakuha ang bulaklak na iyon." Aniya at muli silang napaisip sa kani-kanilang kinatatayuan maliban na lang kay Lush na hindi pa rin nakikitaan nang pag-aalala.

Wala ni isa sa kanila ang agad na sumagot, tanging pagtingin lamang ni Jager kay Aster ang kaniyang napagmasdan. Sa kalagayan nilang iyon ay siguradong ang nakakaalam lamang ay ang kapatid na siyang nag-aalala sa lahat. Mapapansin na nagpapakiramdaman itong sila Jager at Aster, tila pinakalma niya ang nararamdaman ni Aster upang bukas palad niyang ipaalam iyon sa kanila.

Hindi naman nagtagal ay bahagyang niyuko ni Aster ang ulo at bumuntong hininga. "Sabi sa akin ni Ginang Emira ay may nagpadala sa kanila ng mga bulaklak galing sa kapitbahay ng umagang iyon noong Miserdar (Miyerkules). Sinabi niya sa amin na maganda raw ang pagkakulay lila na bulaklak niyon kaya naisipan ng mga bata na ilagay iyon sa kanilang kwarto. Makalipas ng isang araw ay saka na sila nagkaroon ng malubhang sakit. Kung naroon lang sana ako at alam ang epekto ng bulaklak na iyon hindi sana sila magkakasakit... Kainis!" Paliwanag at inis na sambit niya dahilan para mapatahimik si Gin sa pagpaplano.

"Sigurado ako na may kinalaman din siya sa pagbibigay ng bulaklak na iyon kaya niya tayo napilitan at gawin ang kasunduan niya." Bahagi rin sa kanila ni Nok dahilan kung bakit si Aster nangigil sa poot.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon