❂ Chapter 9: Recovery ❂
Sa gabing iyon, makikita ang kasiraan at pagkatumba ng kanilang sasakyan, mga kabayong nangamatay sa pag-atake ng kalaban. Sila rin ay nakahandusay sa sahig, walang malay at sugatan. Nakatayo na ngayon si Gin at nilapitan ang mga kasamahan, na may pangamba. Nakita niya si Gabriel na nahihirapang makatayo, kaya agad na niyang inalalayan.
"Ayos lang ba kayong lahat?"
"Agragh!.. Gin, sila Jharel?" alalang tanong niya kay Gin at napatingin sa kabila kung saan naroon ang tatlo na wala pang mga malay. Mabilis na nilang pinuntahan sila para alamin ang kanilang kalagayan.
"Lyan! Lyan! Gising! Hoy!" pag-aalala ni Gabriel na ginigising si Lyan.
"I-is this the he-aven?..." marahang bigkas niya sa harapan ni Gabriel at minulat ang mga mata.
"Hayys! Salamat! Okay ka lang ba?"
"Are you my an-gel?..."
-Slap!"Aray! Bakit mo 'ko sinampal?!"
"Sorry, pero si Jharel, kailangan na niya ng tulong natin."
"Ayos ka lang?" ani ni Gin ng gisingin niya rin si Rika.
"Oum, si Jharel!" alalang pinuntahan niya si Jharel sa dulo, malapit sa nasirang karwahe. Sumunod din sila Gin, Gabriel at Lyan sa tabi niya. Inalam ni Gin ang karamdaman ni Jharel at nangamba sa nakita niyang sugat.
"Malala na itong sugat niya. Kung may gamot lang akong dala... Meron ba kayong halamang gamot na dinala?"
"Meron akong first-aid pero yung herbs, 'di ko alam kung papa'no ilagay 'yon sa sugat."
"Ako na ang bahala. Kung may mga gamit kayo na maaaring magamit, pakisuyo na rin. Kailangan na natin patigilin ang pagdurugo ng sugat niya."
"Roger!" maagap na sagot ni Lyan.
Sila ay naghanda ng kagamitan sa panggamot, lahat ng kanilang kaalaman ay ginamit para mapagaling si Jharel. Hanggang sa siya ay nagkaroon na ng malay.
"Jharel! Salamat na nagising ka na!" masayang wika ni Rika.
"Oo nga! Akala namin mamamatay ka na. Hahaha!...
-Poke!
Aray!..." daing ni Lyan ng kutusan siya ni Rika sa ulo."Kuya Gab, Gin... Anong nangyari?... Arhh!-Arhh!"
"Huwag ka na munang tumayo. Magpahinga ka muna at panumbalikan ang nawala mong lakas," ani ni Gin sa kanya.
"Teka, 'yung mga humahabol po sa atin?"
"Wala na sila. 'Di na nila tayo hinabol ngayon," pagbigay-alam ni Gabriel.
"Bakit kaya 'di na tayo hinabol ng mga 'yon, simula ng magkaroon ng earthquake kanina?" takang tanong ni Lyan.
"Oo nga ehh. Naramdaman ko ang biglang paglindol sa kagubatan kanina... Bakit kaya?" tugon naman ni Gabriel sa kanya.
"Hindi ko rin alam. Bibihira lang magkaroon ng lindol dito sa Sarim, pero sigurado akong galing iyon sa isang nilalang na may malakas na kapangyarihan," tugon din ni Gin na ikinagulat nila.
"Wehh?! Merong nilalang na kayang makagawa ng lindol na iyon?!" gulat na wika ni Lyan.
"Oo, pero tanging malalakas na salamangkero lang ang kayang makagawa niyon... Dito sa Sarim, ang mahika ay kayang manipulahin ang kalikakasan, kaya pinagbabawal sa amin makakuha ng ganoong klase at kalakas na kapangyarihan ng walang pahintulot ng mga konsehal ng mga salamangkero," ani ni Gin na ikinatahimik ng lahat.
'Siguro'y dahil sa kapangyarihan ng butong 'to kaya nagkalindol,' sa isipan ni Jharel habang tinitingnan ang buto na nasa kamay niya.
"Basta ang mahalaga'y ligtas na tayo... Ikaw naman Jharel, huwag mo na ulit gagawin 'yon ahh?! Nakakanerbiyos ka kaya!" banat ni Rika dahilan para siya'y mapilitang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasíaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...