Chapter 13

804 61 3
                                    

Chapter 13: Fighting for a way out 

Nang gabing iyon sa loob ng madilim na basement, makikita ang paglalakad ng isang lalakeng nakalether vest at may malapad na espada na nakasabit sa likuran na sinusundan naman ng dalawang lalake na galing sa ETC sa likuran niya. Pagdako nila sa tapat ng isang prison cell, napatingin sa kaniya sila Gin at Ulfur kasama ang dalawang guwardia na nagboluntaryong sumama sa kanila na sila ngayon ay nasa loob ng kulungan.

Napalitan ang mga mukha nila ng matalim na pagtitig lalong lalo na si Gin na napatayo at akmang susugurin ang lalakeng pinuno ng mga mersenaryo na si Carifas.

"Nasaan siya?!... Pakawalan mo na siya ngayon na!" sigaw niya kaya tinutok sa kaniya ang sibat na hawak ng mga bantay dahilan para mapalayo siya sa riles ng kulungan at sa harapan ni Carifas.

"Bakit ko naman sasabihin sa inyo, hahh?" tugon sa kaniya ni Carifas na may pang-aasar.

"Hindi kayo magwawagi kailanman!.. Mababaon kayo sa lumot at dumi ng inyong kasalanan!" pagsusumpa niya sa kanila.

"Hoy! Itikom mo 'yang bunganga mo kung ayaw mong iparanas ko sa'yo ang paghihirap ninyo rito... Subukan mo lang hamakin kami kundi malilin—" Natigilan niya sa pagsasalita nang pigilan siya ni Carifas na magsalita.

"Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin, dahil kabulukan lang ang maghihintay sa inyo rito... Mas mabuti pang sabihin niyo na sa akin kung saan ang buto ng Argenta nang hindi ko kayo ipapatay sa mga lalakeng ito," pananakot niya sa kanila dahilan ng kanilang pagtataka, maliban kay Gin.

"Hindi ko alam ang butong tinutukoy mo, tanging alamat lang ng Argenta ang aking nalalaman... Isa lamang iyong alamat at wala ng iba," matapat na pagbibigay alam ni Gin sa kaniya.

"Kung gayon, alamat lang pala ang hinahanap ko?" gulat na tanong niya na sinang-ayunan naman ni Gin.

Kaya naman, nilayo ang tingin kay Gin at napaisip. Sumagip sa kaniyang isipan ang lalakeng nag-utos sa kaniya na gawin ang maruming trabaho para kunin lang sa kanila ang bagay na isang alamat lamang na hindi na nage-extido sa mundong iyon...

Nais niya rin makuha ang bagay na iyon para maghiganti sa panghihiyang ginawa niya sa kaniya ng lalakeng iyon. At maaari din sa pansarili niyang layunin na hindi pa ngayon nabubunyag.

Ngayon na nalaman niya na ang katotohan, nabalot na ng matinding poot ang kaniyang damdamin dahil sa pangloloko na ginawa sa kaniya ng taong iyon. Hindi na siya nakapagtimpi pa at sunod na sinutok ang pader dahilan ng pagbiyak nito. Nagulat ang bawat isa sa kanila lalu na ang dalawang bantay na nag-escourt sa kaniya.

"A-anong ginawa mo?! Hindi mo maaaring—" Natigil na naman ang wika niya nang bigyan sila ng matinding galit na may aurang nagliliyab sa kaniyang katawan.

Nagsimula na silang mangatog sa takot at kaba, napalunok rin ang isa sa kinatatayuan niya. Hindi nila alam kung tatakbo ba sila o matapang-tapangan sa harapan niya. Hanggang sa naghingi na lang sila ng tawad at pinagpaliban ang lugar na iyon sa kaniya.

Nagtaka na lamang ang iba sa kanila kung ano ang bagay na gusto ng lalakeng ito. Saglit na nagkatinginan sila Ulfur at ang dalawa at muli din nilang binaling ang atensyon kay Carifas.

"Siya ba si Darel? Ang lalakeng nag-utos sa niyo na kunin iyon?" Curious na tanong ni Gin sa kaniya dahilan para mapabuntong hininga siya.

"Oo... Ang kinikilalang pinuno ng Black Lotus," aniya na nagpagulat sa kanila.

"Teka, Black Lotus?!... Tama ba ang pagkarinig ko?" sabat sa kanila ni Ulfur dahil sa labis niyang pagtataka na marinig ang pangalang iyon.

"Sila ang mga grupo ng taong walang magawa kundi mangaral ng kanilang kautusan, mga paniniwala at panlipunang moral, dahilan para umanib sa kanila ang daang-daang tao para magrebelde sa mga kaharian at atikihin ang pamumuno nila sa bayan... Tchh! Wala rin silang pinagkaiba sa mga sakim na hari na gusto lang ay pagharian ang mundong ito..." bahagya siyang umiling at nilayo ang tingin sa kanila. "Hindi, mas malala pa pala, isa siyang Dereyo (Evil Creature) na nanggagamit ng tao para mangloko, at tugunan ang pansarili niyang kasiyahan at kapakanan," bahagi niya na may pagkuyom ng kamao at nagbigay linaw rin sa kanila.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon